“I’m here.” Sigaw ni Ivelle na kakapasok lang sa condo ni Shannara.
“An gaga mo naman.” Reklamo ni Shannara habang nag aayos ng kaniyang mukha.
“Hindi ako maaga, mabagal ka lang.” Tugon ni Ivelle kaya napairap si Shannara.
“Saglit lang.” Sambit nito at mas tinuon ang atensyon sa kaniyang pag aayos.
Hindi nag tagal ay nakatapos na si Shannara mag ayos. “Pwede na siguro umalis hano?” Natatawang tugon ni Ivelle kay Shannara.
“Mhm.” Tipid na sagot ni Shannara at tuluyan na silang dalawa umalis.
“Ano bang ganap?” Takang tanong nito nang makarating na sila sa patutunguhan nila.
“A-attend nga lang party, hindi ka kasi nag babasa sa gc natin kaya wala ka nanamang alam.” Sambit ni Ivelle matapos iabot sa guard ang invitation nila.
“Shannara!” Sigaw ng mga kaibigan nila, medyo matagal na rin kasi noong huli siyang sumama sa gala nila kung kaya’t hindi na sila ganon nakakapag kita.
“Long time no see.” Natatawang bati sakanya ng mga kaibigan niya.
“Nandito ka na pala Cressha, kailan ka pa nakauwi?” Gulat na bati ni Shannara kay Cressha.
“Ayan, napapala kasi ng palaging missing in action.” Tumatawang sambit ni Ivelle.
“Ako nag host ng party, talagang missing in action ka. Sobang busy ba girl?” Biro ni Cressha.
“Sorry, puno ang sched sobrang higpit.” Nakangiting sambit ni Shannara.
“I’m glad you’re back. Are you staying for good or just a vacation?” Tanong ni Shannara.
“It depends haha!” Nakangising sambit ni Cressha sabay kindat.
“I’ll leave you guys muna to entertain my other guest. Ivelle tropa mo nandiyan.” Sambit ni Cressha bago umalis.
“Paano bay an? Pamimigay ko muna si Shannara sainyo, nandito sila Rydell e.” Sambit ni Ivelle.
“Oh! Before I forgot, nandito si Illiana.” Bulong ni Ivelle kay Shannara.
“Okay.” Tipid na tugon ni SHannara bago sumundal sa kaniyang kinauupuan.
Nakikinig lang siya sa usapan ng mga kaibigan niya, paminsan minsan ay nakikisali pero madalas ay nag mamasid at nanonood lang siya.
Maya maya pa ay bumalik na si Ivelle sa table nila. “Bakit nandito ka na?” Nakangiting sambit ni Shannara.
“Baka kasi miss mo na ako, you know?” Mapang asar na sambit ni Ivelle kaya napairap ng bahagya si Shannara.
“Sobrang assuming mo.” Nakangusong sambit ni Shannara.
“Hindi ka kasi nakikipag usap, hindi ka naman nileleft out pero ayaw mo makipag usap. Paano ka malilibang?” Panenermon ni Ivelle.
“Mas okay akong walang kausap.” Direktang sambit ni Shannara.
“Kaya nga kita kinaladkad dit para mag saya at makipag usap e.” Reklamo naman ni Ivelle.
“Isumbong kiya kay Illiana at Cressha.” Pananakot ni Ivelle.
“Wag, oa ka.” Reklamo ni Shannara.
“See? Takot, makipag halubilo ka naman kasi jusko.” Sambit ni Ivelle habang napapailing.
Nagpatuloy ang party at sinunod nga ni Shannara ang utos ni Ivelle. Nakikipag usap at laro siya ngayon sa mga kaibigan niya habang si Ivelle ay pabalik balik sa dalawag table dahil nandoon pareho ang dalawa niyang circle of friends.
“Where’s Cressha nga pala?” Tanong ni Shannara ng mapansing hindi pa bumabalik si Cressha matapos mag paalam sakanila na pupunta lamang ito sa cr.
“Nandoon, nagpapakasaya.” Makahulugang sambit ni Asha.
“Huh?” Takang tugon ni Shannara dahilan para matawa ang mga kaibigan niya.
‘Masyadong malinis ang isipan mo para dumihan ni Asha.” Sambit ni Maven.
“Stay innocent Shannara Nadine.” Tumatawang sambit ni Airen.
“Mga bwisit na ‘to, hindi ako bunso pero nag mumukhang bunso ako sa ginagawa niyo.” Reklamo ni Shannara.
“Okay lang yan, hindi ka pa kasi mulat. Hintayin nalang natin mangyari sayo.” Nakangising sambit ni Maven.
“Hoy! Gagá ka, lagot tayo kay Ivelle sige.” Tumatawang sambit ni Airen kaya napatawa ang lahat.
“Lalakas ng amats niyo, ako nanaman favorite niyo.” Nakangusong sambit ni Shannara.
Rydel is Calling……
“What?” Tanong ni Red matapos sagutin ang call.
“Bakit wala ka ditto?” Tanong ni Rydell.
“I’m busy, I already said no kay Ivelle. Hindi ba sinabi sainyo?” Takang tanong ni Red.
“You’re work can wait, minsan lang makumpleto ang grupo missing in action ka nanaman.” Pangangaral ni Rydell.
“Saka na, makakapaghintay din naman kayo.” Natatawang tugon ni Red habang hinihilot ang kaniyang sintindo.
Nagsisimula na siyang makaramdam ng pagod pero kailangan pa niyang tapusin ang mga Gawain niya dahil kung hindi ay tatambakan nanaman siya ng demonyíta niyang Step Mother.
“You know how devil Cecilia is.” Seryosong sambit ni Red.
“Hindi pa rin ba tapos bahay mo??” Tanong ni Rydell.
“Patapos pa lang. Furniture.” Sambit ni Red.
“Pag natapos iuuwi ko na si Euri don.” Dagdag ni Red.
“Alam ko na kasunod, see you soon Sevilla.” Seryosong sambit ni Rydell at pinatay na ang call.
It’s still a 50/50 kung babalik na siyang muli sap ag kakarera, payag naman si Euri sakanyang pag karera pero iniisip niya kung kaya niya bang pag sabayin.
“Bahala na muna siguro.” Bulong ni Red at nag focus nalang sa kaniyang ginagawa para matapos na ito.
***KNOCK*** ***KNOCK*** ***KNOCK***
“Come in!” Sigaw ni Red.
Pumasok si Euri na may dalang tray ng pagkain. “Hindi ka bumaba para kumain, kanina ka apng tanghali diyan. Kahit meryenda hindi mo nagawa, it’s already 12 o’clock in the midnight.” Seryosong sambit ni Euri at dahan dahang ibinaba sa side table ni Red ang try.
“Nagbasak nanaman ba siya ng maraming trabaho?” Tanong ni Euri at tango lamang ang isinagot ni Red.
“Mag pahinga ka rin, hindi porke kaya ng katawan mo ay sasagarin mo na. Kumain ka na, magkakasakit ka.” Sambit ni Euri kay Red.
“I’ll eat later, yayariin ko lang po ito.” Tugon naman ni Red kaya tumango si Euri.
“Oh sya mauuna na ako, pag inabutan ako ni Cecilia ditto ay tiyak na mag wawala nanaman yon.” Nataawang bulong ni Euri dahilan para bahagyang mapatawa rin si Red.
“Right, Thanks Nay.” Mahinang bulong ni Red.
Kapag silang dalawa lang ni Euri ang mag kasama ay Malaya niyang natatawag si Euri ng Nanay unlike kapag may ibang nakakarinig lalo na kung si Cecilia pa ito.
“Sige. Goodnight Red.” Mahinang sambit ni Euri at tuluyan ng lumabas sa opisina ni Red.
Nang makalabas si Euri ay siya namang pag tigil ni Red sa kaniyang ginagawa para kumain. “Makakapag pahinga na rin sa wakas.” Mahinang sambit ni Red.
Habang kumakain si Red ay muling tumawag si Rydell.
Rydell is Calling……
“Ano nanaman?” Bungad ni Red.
“Kapatid mo lasing.” Sambit ni Rydell.
“Send location.” Tipid na sambit ni Red at pinatay na ang call.
Wala si Hunter ngayon dahil nag out of town ito kasama ang mga business partners nila kaya walang choice si Red kung sunduin ang kaniyang kapatid.
Nang marecieve ni Red ang location nila Rydell ay agad siyang nagtungo roon. “Nasaan?” Sambit ni Red matapos siyang salubungin ni Rydell.
Tinuro naman ni Rydell kung nasaan ang kaniyang kapatid. “Long time no see Cressha. Kunin ko na si Asha.” Sambit ni Red kaya tumango si Cressha.
“Sayang hindi kayo nag pangabot ni ano.” Tumatawang sambit ni Cressha ngunit hindi na ito pinansin pang muli ni Red.
“Asha let’s go. Lagot ka kay Hunter pag nalaman non na nag lasing ka.” Napapailing na sambit ni Red.
“Otay lang, hindi aman sha magagasleyt shakin.” Lasing na tugon ni Asha.
“Let’s see, hindi kita ba-back up-an.” Nakangising sambit ni Red at binuhat na ang kaniyang kapatid na para bang nag sako ng palay ang kaniyang buhat.
“Una na kami Rydell.” Paalam ni Red at tinanguan lamang siya ni Rydell.
Isinakay na ni Red si Asha sakaniyang sasakyan at tuluyan na silang umuwi habang naka call si Hunter.
“Ayan girlfriend mo, bangag.” Natatawang sambit ni Red.