It's been a week simula nung asaran nila Red at Rydell kay Illiana. "Why are you here?" Taas kilay na tanong ni Red kay Ivelle. "You know the drill." Nakangusong sambit nito. "Sino kasama mong pumunta rito?" Tanong ni Red dahil nakita niya ang sasakyan ni Rust sa ibaba. "W-wala. Kaya ko namang pumunta mag isa dito." Mauutal na sambit ni Ivelle saka nag iwas ng tingin. "Kung nakamamatay lang ang pag sisinungaling pinaglalamayan na kita ngayon." Seryosong sambit ni Red. "Send me the location. Hahabol nalang ako." sambit ni Red. "Yan tayo sa habol mo e." Nakangusong sambit ni Ivelle. "At least pupunta pa rin ako. Akala ko ba my presence is enough kahit saglit lang?" Pigil tawang sambit ni Red. "Ewan ko sa'yo, palagi mo nalang binabaliw sarili mo sa trabaho." Reklamo ni Ivelle. "Wala

