Nauna ng umuwi si Lyndon dahil may gagawin pa daw siya at tudo siya sorry dahil hindi niya daw ako maihahatid sa bahay.
Mas nahuli kasi akong uuwi dahil mag lilinis pa ako ng kalat sa pwesto namin kanina dahil yun ang rule ng school.Pinayagan kami sa event basta malinis pag tapos ng event.
Sa wakas at natapos na ang lahat at makakauwi narin ako sa wakas at maka pag pahinga.
Nag lakad na ako palabas at nakita ko na hindi pa pala naka uwi si Lucas at may babae siyang kinakausap.Nakita ko siyang napatingin saakin pero tuloy tuloy ako sa pag lalakad.
Nag lakad nalang ako pauwi dahil wala ng masasakyan.
Nang biglang kumulog ng napaka lakas at mukhang uulan pa ata at napaka malas naman pag uulan dahil wala akong payong na dala.
Habang nag lalakad ako ay may biglang humintong motor at pag tingin ko si Lucas pala.
"Cassy mas mabuting sumakay kana saakin dahil tignan mo ang dilim na at baka maulanan ka sa daan"
"No okay lang kaya ko sarili ko"
"Halika na magagalit si Tito George at si Lyndon pag nagkataon na iniwan kita dito at hinayaang mag lakad mag isa sa gabi"
Hindi na ako naka tanggi dahil sa mga sinabi niya.
Sumakay na nga ako at isinuot niya saakin yung helmet niyang isa.Habang nakakapit ako kay Lucas ay laging pumapasok sa isipin ko ang mga pangako kay Lyndon na hinding hindi ako ma iinlove sa kuya niya pero parang hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.
Buti nalang at naki sakay ako dahil inabutan na kami sa daan ng malakas na ulan at buti nalang may isang bahay silungan sa nadaanan namin at mukhang sa plaza ito.
Sumilong muna kami dahil sabi niya delikado pag mag papatuloy pa kami dahil ang dulas ng daanan at ayaw niyang maaksidente kami lalo na at kasama niya ako.
Yan nanaman ang mga sweet niyang salita na patuloy akong nahuhulog dahil alam ko naman na bilang isang nakakababatang kapatid niya lang ang turing niya.
Tumakbo na kami patungo sa pagsisilungan namin sa plaza.Titig na titig ako kay Lucas at parang hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla ko siyang hinatak sabay halik sa kanya pero tinulak niya ako palayo.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng bigla niya akong halikan pabalik pero ako naman ang tumalak sa kanya.
"Stop,hindi tama to dahil ayaw kong maging isa sa mga babae mo o maging babae mo lang or ayaw kong maging choice mo lang dahil ako yung nandito Lucas"
"Ganyan ba ka babaw ang tingin mo saakin Cassy ?
"Dahil yan ang nakikita ko sayo lalo na sa school Lucas"
"Gusto mo bang malaman ang totoo Cassy ,ikaw lang yung babaeng hindi lang dahil gwapo o sikat lang ang tingin mo sakin hindi tulad ng mga babaeng nakakasama ko .Ibang iba ka sa lahat and it is driving me crazy thinking about you Cassy,at ito yung mga katangian mo na gustong gusto ko sayo ,natatakot lang akong umamin dahil alam kong may rule kayo ng kapatid ko "
"Dapat sinabi mo noon palang Lucas dahil noon palang gusto na kita"
"And now wala na akong pake kung ano man ang sabihin ng kapatid ko about sa rule niyo basta ang alam ko lang ay mahal na mahal kita Cassy "
"Maipapangako mo ba na hindi dapat maalaman ito ng kapatid mo dahil importante din saakin si Lyndon dahil he is my best friend since we are young at sana hindi yung masira."
"Yes i promise"
Nag patuloy niya akong halikan at ngayon ay hindi ko na siya pinigilan at nangibabaw ang feelings ko sa kanya at ngayong gabi ay kinalimutan ko muna ang pangako ko sa kaibigan ko.
Hindi ko inaasahan na gusto rin pala ako ng lalaking gusto ko.
Tuloy tuloy kami sa pag halikan ng biglang mag security guard na nag flash light sa kinaroroonan namin saka lumapit.
"Anong ginagawa niyo mga bata,umuwi na kayo at tumigil na ang ulan baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo"
Sa gulat naming pareho ay agad naming inayos ang sarili namin saka umalis na.
Habang nag papunta na kami sa bahay para ihatid ako ni Lucas ay tawa kami ng tawa dahil sa nangyari sa plaza kanina dahil sabi niya panira daw yung guard sa moment namin.
Naka rating na kami sa bahay at nag paalam na ako sa kanya.
"Salamat at ingat ka sa daan"
" Opo madam , good night see you tomorrow"
"Sige pumunta kana "
Sabay alis at pumasok na sa bahay.Kitang kita ko ang saya sa mukha niya na ngayon ko lang nakita.
Talagang ang gwapo niya talaga lalo na sa malapitan.
Pag pasok ko ay nakita ko na nasa sala si papa at hinihintay akong umuwi.
"Nandiyan kana pala Cassy"
"Opo pa ,naabutan kasi ako ng ulan at buti nalang inihatid ako ni Lucas"
"A ganun ba sige mag palit kana at kumain kana ng pangkagibihan"
"Sige po pa "
Pati si papa hindi ako nag sabi tungkol kay Lucas dahil alam kong magagalit siya kaya tinago ko nalang ito sa kanya.
Nakabihis na ako at nakakain na ng dinner at bumalik na ako sa kwarto ko.
Pagkabukas ko ng phone ko ay may nag message pag katingin ko ay si Lyndon.
"Cassy naka uwi kana ba?"itong kaibigan ko talaga laging nag aalala.
"Oo naka uwi na ako kanina pa"reply ko sa kanya.
Ibaba ko na sana yung phone ko ng biglang nag message si Lucas.
"Hi Cassy ,good night see you tommorow at sobrang happy ko ngayong gabi because of you"
Ay kinilig nanaman si ante.Sino bang hindi kikiligin dahil isang Lucas na yan.
Nag react lang ako sa message niya at binaba ko na ang phone ko sabay kuha sa laptop para tignan yung story na ginagawa ko.
Matagal tagal ng hindi ko naitutuloy itong story ko dahil sa sobrang maraming ganap sa buhay.
Itong pag susulat ang isa sa mga hobby ko lalo na pag nasa bahay ako dahil dito na eexpress ko ang nararamdaman ko.Parang diary ko na ito.
Napaka ganda ng araw na ito sana nga magpatuloy pa.