2 weeks nalang at nalalapit na ang intramurals at hindi parin kami tapos sa paghahanda sa wedding with matching kissing booth.Parang nag dadalawang isip parin ang mga EME girls na baka niloloko ko lang sila about Lucas.
Napag usapan namin ni Lyndon na pag nakita namin sila sa cafeteria ay kakausapin ko sila na kung hindi man darating si Lucas sa event ay si Lyndon ang sasalo.Pero pag ayaw nila ay mag sisinungaling nanaman kami na pupunta siya at isa sa kanilang EME girls ay gusto niyang maka date after the wedding and kissing booth.Sana maging successful ang event namin sana nga.
As we plannned andoon nga sila sa cafeteria pasimple akong nag lalakad at kunyari hindi ko sila nakita.
At ng bigla akong tawagin ni Magda .
"Hey Cassy ,kumusta ang wedding booth with kissing booth"
"Hmmmm okay lang naman"
"Oh girl bakit ka nakatayo umupa jan at para mapag usapan ng malinaw"
Nice one at napansin din ako at sana ang work ang plano namin at nasa kabilang side lang si Lyndon nag aabang sa mga mangyayari.
"Thank you ,hmm well if hindi sumipot si Lucas sa wedding booth with kissing is pwede namang yung isang Pimentel diba"
"Sinong Pimentel ang tinutukoy mo"
At tinuro ko sa bandang gilid si Lyndon at papogi siya at may pa side side pa siya ng buhok at pa kindat moves.
"Oh Lyndon Pimentel ,well okay lang naman siya pero hindi niya lang alam pano pumurma "at sabay silang nag tawanan.
"Girl don't forget sa usapan na yung isang Pimentel ang gusto namin si Lucas Pimentel "
"Oo naintindihan ang may sasabihin pala ako ,alam niyo ba isa sa inyo ang type ni Lucas at isa sainyo ang gusto niyang maka date after wedding booth"
Nag si lakihan ang mga mata nila at kitang kita sa mukha nila ang pamumula.
"Okay magandang balita yan pag hahandaan namin ang araw na iyon"
"Okay see you sa event"
"See you ,and by the way Cassy pwede kana rin naming maging ka group "
"Okay bye "
Umalis na ako at agad nag tungo kay Lyndon at ibalita lahat ng napag usapan at tuwang tuwa siya dahil siguradong sigurado na sasali ang mga EME girls at pati narin yung ibang mga students dito sa FLYN NATIONAL HIGH SCHOOL ay may mga sumali na rin ang even si Kyle.Sabi niya na sasali siya para naman daw makabawi siya nung last time na hindi siya sumipot at nanguna ang takot niya kay Lucas.
Okay lang naman na saakin iyon basta alam kong nag sisi na siya sa ginawa niya at yun ang isang gusto ko sa kanya yung alam niya ang pagkakamali niya at itinatama niya sa ibang bagay.
Alam kong maraming pupunta saamin dahil meron ang EME girls na kinababaliwan ng mga boys ,meron si Kyle na crush na crush din nila at sana nga pumunta si Lucas para perfect na ang lahat pero malabo atang pumunta yun.
Nag handa na nga kami ni Lyndon pumunta na kami sa bodega sa school at doon kami nag design.
"Ako dito sa lettering ng wedding and kissing booth at ikaw Lyndon dito ka sa mga decorations,at paki pinturahan na din itong tabla ng something na pang wedding yung designs"
"Okay madam noted"at nag saludo pa siya at laking gulat ko ng biglang lagyan ni Lyndon yung damit ko ng pintura e syempre hindi ako mag papatalo.
Kinuha ko din yung color red na pintura saka pinunas sa buong katawan niya.
Hays wala nanaman kaming nagawa kundi mag laro.Pero ganito na kami basta may maisip na kalokohan si Lyndon ay sasabayan ko.
Puro pintura ang buong katawan at mukha ko at hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa pintura na nilagay ni Lyndon sa mga mata ko.
Buti nalang at naka pasok na ako sa isang cr para mag hilamos at tanggalin ang mga pintura.Buti nalang at water base itong pintura at madali lang matanggal.
Habang nag hihilamos ako ay hinubad ko yung damit ko at ngayon naka bra nalang ako dahil ang daming pintura sa katawan ko at ayaw kong mabasa yung damit ko dahil wala akong pamalit ng may narinig akong parang tumatawa at hindi lang siya iisa kundi marami.Dahan dahan akong lumingon sa likod at jusko laking gulat ko dahil cr pala ito ng mga boys athlete.
Nakita kong naka hubad sila dahil siguro naligo sila pagtapos ng training.Nag sorry ako at sinabing hindi ko alam na sa athletic pala ito.At ang mas nakakawindang pa ay nandoon si Lucas.
Nakita ko nanaman yung lalaking laging nag pipicture na si Caleb.Nakainis siya basta may mga bagay na nangyayari lagi siyang nandiyan.
Nakita kong papalapit na saakin si Lucas at masakit ang tingin.
"Put your shirt on Cassy at lumabas kana please"
Hays yan nanaman siya puro sermon at ngayon masasabi ko na.
"Alam mo Lucas pagod na ako sa mga sermon mo at isa hindi kita papa para sundin lahat ng gusto mo ,diba sinabi ko naman sayo na tigilan mo nang sabihin ang mga bagay na gusto kung gawin hindi na ako bata and i am not your little sister anymore"at nagsitawanan ang mga kapwa niya athletes.Gusto ko lang talagang inisin si Lucas dahil lagi niyang ginagawa saakin ito.
"Lucas Pimentel watch this"
Nag sayaw sayaw na parang poll dancer sa harap ng mga lalaki at kuminding kindig at kita ko sa mukha ni Lucas na inis na inis at saka lumabas na ako sa cr na yun.
Napaka saya palang makita yung mukha ni Lucas na ganun.Akala niya siguro hindi ko siya kaya pero well baka si Cassy ito.
Naging busy na kami ni Lyndon dahil nga malapit na ang Intramurals Fiesta Fundraiser.May isang linggo nalang para tapusin ang lahat dahil sa susunod na week ay gaganapin na ang wedding with matching kissing booth na pinaka hihintay ng lahat.
First time kong gawin itong event na ito at nakaka excite kung ano mang mangyayari at sana maging successful lahat ng pag hihirap namin ni Lyndon.