Tarantang tara ako dahil tudo hanap ako sa uniform ko at hindi ko mahanap.Saang sulok ay wala diko mahanap buti nalang at naalala ko ,tinago pala ni mama sa isang aparador na maliit malapit sa kama ko.Sobrang saya ko dahil sa wakas na hanap ko na dahil ayaw ko talagang ma late sa first day id school.Pero laking inis ko dahil ang skirt ko na uniform ay ang iksi na sobra at ayaw ko namang isuot ito.
Nag hanap ako bg pwedeng isuot at nakita ko yung trouser ko na black at pag ka suot ko ay hanggang sa tuhod ko lang kasya.Hays buhay nga naman ,sobra na ba akong tumaba at hindi ko na kasya ang mga skirt at trouser ko.Kaya no choice ako kundi isuot ang kaisa isa kong leggings at ito lang ang kasya saakin dahil stretchable siya.Nag dadalawang isip ako kung isusuot ko ba dahil bawal ito sa school namin at isa pa ay may ka nipis nitong leggings pero wala na akong magagawa kaysa naman hindi ako pumasok sa school ngayon.
Dali dali na akong lumabas ng kwarto at niyaya akong mag break fast ng papa ko at napansin niya nga ang suot ko.
"Cassy bakit ganyan naman ang suot mo ,wala ba yung uniform mo?"tanong niya saakin.
"Pa,halata naman sa katawan ko na hindi na kasya at itong leggings nalang yung natitirang pwedeng pwede kong isuot "sagot ko kay papa habang sumubo ng sandwich.
At biglang may bumusina sa labas ng bahay namin at nakita ko na andoon na si Lyndon sa labas at sinundo na ako.Sabay talaga kaming pumapasok ng school since elementary kami kaya sanay nadin sila Tita ,Tito at papa na lagi kaming mag kasama.
Palapit palang ako kay Lyndon ay rinig ko na agad ang bulalas ng tawa niya.
"Saan ka pupunta Cassy at ganyan ang suot mo"
"Aber saan pa nga ba idi sa school ,at isa pa wag mo ng tanungin at bat ganito ang suot ko dahil pag ako nainis sayo ipapasuot ko sayo yung skirt na maiksi at ayaw kong ma stress sa first day of school dahil lang sayo "
"Okay madam sorry ,pero sana naman mas makapal ang isinuot mo"
Kunting kunti nalang at masasakal ko na itong tao na ito pero hindi na ako sumagot sa kanya at hinayaan ko nalang siyang mag salita ng magsalita at tumawa.
Mahigit 10 minutes lang ay nakarating na kami dito sa FLYN NATIONAL HIGH SCHOOL.Pag kababa namin ng sasakyan ni Lyndon ay pinag titinginan ako ng mga students at nag bulong bulungan.
As usual dahil nanaman ito sa suot ko at parang mga ignorante na ngayon lang naka kita ng naka leggings with gala shirt.
Nag tuloy tuloy lang kami sa pag lalakad ng biglang may pumalo sa pwet ko at alam kong napaka bastos ng ginawa niya at agad ko siyang nilingon at pagkalingon ko bumungad ang mukha ng isang lalaking siga sa school na si Kyle Flores na ka age ni Lucas pero ka batch namin dahil nag double siya dahil sa ugali niya at alam ko nanamang uulit siya dahil sa ginawa niya saakin ngayon.
"How dare Kyle bakit mo ginawa saakin yun napaka bastos mo,hindi ka talaga nag babago"at agad namang tumingin si Lyndon kay Kyle at tinulak niya ito.
"Bro mali ata yang ginagawa mo ,wag mong itulad sa ibang babae si Cassy na pag papaluin yung pwet ay okay lang pero siya iba siya kaya wala kang karapatan para gawin sa kaibigan ko yan"
Susuntukin na sana ni Lyndon si Kyle pero agad itong nag salita at tinulak niya ito pabalik.
"Ang tapang mo naman akala mo ang tangkad tangkad mo hanggang balikat lang kita dude"at sasapakin na sana ni Kyle si Lyndon at agad napa pikit si Lyndon dahil alam niyang wala siyang laban kay Kyle dahil ang tangkad niya at ang laki ng katawan ,nang biglang may sumangga isang lalaki sa likuran at mas matangkad pa ito kaysa kay Kyle.
Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil napaka tangkad niya ng bigla na niyang sinuntok si Kyle at pagkabagsak ni Kyle ay naaninag ko na yung lalaking sumuntok sa kanya si Lucas pala.
Ito na ata ang red flag kay Lucas yung pagkabasagulero niya.
Buti nalang at dumating na yung guidance counselor na umawat sa kanila kundi basag basag na ang mukha ni Kyle dahil wala itong palag kay Lucas.
"Both of you go to the guidance office now and also you Ms.Cassy Garcia"
"Po?bakit po ako kasali wala po akong kasalanan"pag tatanggol ko sa sarili ko dahil totoo naman at ako ang biktima.
"Tama po sir Ybanez wala po siyang salanan"
"No excuses ,pumunta ka nalang sa office dahil isa ka rin sa nag cause ng gulo na to"
Wala na akong nagawa at sumama nalang ako sa guidance office.
Buhay nga naman napaka malas ko to day sa totoo lang.
Nakita kong naka upo sa labas si Lucas at umupo na din ako sa kabilang upuan dahil unag kinausap si Kyle.
Ilang minuto lang ang nakakalipas ay ako na rin ang pumasok sa loob.
"Ms.Garcia aware ka naman siguro na bawal ang leggings sa school natin diba"
"Alam ko naman po sir Ybanez pero wala po talaga akong maisuot at ang iksi na po ng skirt ko, pasensya po "
"May consequences ang ginawa mo at pag labag sa rule ng paaralan Ms.Garcia"
"Po?,ma eexpelled na po ba ako ,sorry po nag mamakaawa po ako di ko na po uulitin"at mangiyak iyak yung sabi sa guidance counselor namin.
"No ,hindi namin ginagawa yan at dapat mo lang gawin ay bumili ka ng new skirt mo at dahil below the knee and last mag linis ka sa library buong linggo simula ngayon"
"Sige po gagawin ko po maraming salamat po"nag paalam na ako at lumabas.
Hays naka hinga na ako ng malalim akala ko talaga ma eexpelled na ako sa FLYN NATIONAL HIGH SCHOOL dahil hindi ko kakayanin dahil sayang yung scholarship at yung perang binibigay saakin nila Tita Clara.
Pagkalabas ko nakita kong nandoon parin si Lucas sa labas.
"Hey ,bakit nandito ka ,di kapa ba tapos kausapin sa loob"
"Actually tapos na gusto lang kitang makausap"
"Ganun ba ano yun"
"Sorry sa iskandalo na ginawa ko kanina at nadamay kapa tuloy"
"Ano kaba okay lang gusto ko ngang mag thank you dahil sa ginawa mo dahil alam kong ginawa mo lang yun para saamin ni Lyndon"
"Ayaw ko kasing nababastos yung babaeng importante saakin"
"Babaeng importante sayo ,ibig mong sabihin ako?"
"Yes ,you are special to our family alam mo naman yan right at isa pa alam ko naman na wala kang alam about boys kasi nga naman walang nanliligaw sayo at hindi mo alam na ganyang mga suot ng babae ay gustong gusto ng mga lalaki kaya next time wag ka ng mag suot ng ganyan"
"Wow ha thank you ang sakit mong mag salita,di mo sure baka may nanliligaw na saakin"
Hindi na siya sumagot sa sinabi at tumayo nalang siya.
Tama nga naman siya ,siguro pag wala lang ako sa kanya baka di niya gagawin iyon saakin dahil ang turing niya lang saakin ay little sister.
Ngumiti siya at nauna ng lumabas ng office at nag tungo na din ako sa classroom namin.
Nakita ko doon si Lyndon na lakad ng lakad at hindi mapakali at bigla siyang tumingin sa gawi ko at agad akong nilapitan at tanong ng tanong siya about sa nangyari at nag explain narin ako at balak pa niya akong tulungan na mag linis sa library pero tumanggi ako dahil trabaho ko iyon at kaya ko naman at hindi naman gaanong marumi sa library.
Nag sorry siya dahil di man lang daw niya ako na ipagtanggol sabi ko naman na naipagtanggol niya ako pero di nga lang siya naka suntok dahil wala siyang laban kay Kyle sabay bulalas ko ng tawa sa kanya at bigla siyang bumusangot at biglang sabay kami ng tawa.
Nag tungo ako sa cafeteria dahil nagugutom ako at sandwich lang ang kinain ko.Hindi na sumama saakin si Lyndon dahil may tinatapos siya sa isang subject.
Pagkaupo ko at nag muni muni ay biglang nag si tingin sila sa tatlong babaeng papasok dito sa cafeteria.
Sila ang tatlong famous dito sa paaralan namin tatawagin ko silang EME girls dahil sila ay sina Eloisa,Magda,Elain.
Sila ay parang model at napaka gaganda nila kaya naman maraming napapatingin at humahanga sa kanila pero yun nga lang ay mga maldita at maarte sila.
Nakita ko namang patungo sila sa gawi ko habang may buhat buhat silang tag iisang saging at bottle of water.
"Hey girl grabe yung ginawa mong gulo kanina ha"sabi saakin ni Magda ang pinaka maganda sa kanila dahil kutis mistisa siya at biglang nagsalita ulit yung si Eloisa siya naman ay morena.
"Pero okay lang dahil ang gwapo talaga ni Lucas Pimentel ,napaka savage ng ginawa niya how i wish na magiging bf ko siya "sabay hagikgik
"True sis naka hot niya talaga lalo na pag galit siya napaka cool niya"mag sasalita na sana ako at bigla silang umalis at nag iwan pa ng salita na wag ko daw susubukang agawin si Lucas sa kanila at isa pang nakapagtataka ay bakit at pano nila kinain yung saging e balat nalang yung naiwan dito sa lamesa.
Hindi ko nalang sila pinansin yung mag EME girls na mga yun.Nag momove on na nga ako sa nangyari e sila naman yung nag papaalala.
Hays tapos nanaman ang isang araw ng skwela at stress na agad ang sumalubong saakin at sana naman ay wala ng susunod pa.