Warning: This chapter talks about sensitive topics like death, loss, and childhood trauma. Reader's discretion is advised. Feel free to sit this one out if you are not comfortable reading about these topics. HALOS tanghali na rin nang magising si Sabrina kinabukasan. Pinili niya ring manatili sa kwarto buong umaga para makabawi sa puyat at pagod ng enagement party nila ni Yalmar. Tila automatic na rin pagbusangot ng dalaga nang maalalang muli kung bakit siya galit na galit sa kanyang fiance. Determinado naman si Sabrina na umiwas na muna at hayaan na lang si Yalmar sa kung ano man ang pinagkakaabalahan nito. She knew that she had plenty of steam to let out before she could even have a civil conversation with him. Kinahapunan ay naala ni Sabrina may shooting range pala sa loob ng haci

