fnajk njks nj

1674 Words
SHAWN'S P.O.V. IBINABA ko ang librong binabasa ko. Pagkatapos tinapunan ng tingin ang malakas na boses ni Ate Jhoace at Kuya John Ace. Umiling ako matapos ko silang tapunan ng tingin. Hayss! Para silang mga batang dalawa. Nag-aagawan silang dalawa sa ice cream na ginawa ko kagabi. "Ano ba kuya! Wag mong ubusin. Ang takaw-takaw mo talaga!" Naririnig kong sabi ni Ate Jhoace. "Ikaw itong matakaw. Kanina ka pa kuha nang kuha. Tingnan mo nga konti na lang ang tinira mo sa'kin." Sagot naman ni Kuya John Ace. Huminga ako ng malalim pagkatapos ibinaba ko ang hawak kong libro at tumayo ako upang puntahan sila sa kusina. Nasa living room ako pero rinig na rinig ko pa rin ang ingay nilang dalawa. Tumayo ako sa harapan nilang dalawa na naghihilahan sila ng malaking lagayan ng Ice cream. "Ang ingay niyong dalawa Kuya at Ate." Sabi ko. Sandali silang tumingin sa'kin. "Si Kuya kasi inubos ang ginawa mong ice cream." Humahaba pa ang ngusong sabi ni ate Jhoace. "Ibibili na lang kita ng ice cream. Ilan ba gusto mo?" Sabad ni kuya John Ace. "Ayoko! Gusto ko yung ginawa ni Shawn. Bigyan mo pa ako!" Sabay hila ni Ate Jhoace sa gallon ng Ice cream mula kay Kuya John Ace. Ito naman ang gusto ko sa mga kapatid ko at siyempre sa parents ko. Very supportive sila sa lahat ng niluluto ko at bini-bake ko, sila ang kauna-unahang fan ko. Kaya naman pinagbubutihin ko ang ginagawa ko. Dahil alam kong proud na proud sila sa'kin. Sa pamilya namin mas magaling magluto ang mga lalaki. Si Daddy talaga ang idol ko pagdating sa pagluluto. Noong bata pa ako siya ang nagti-tiyagang turuan ako. Kahit madalas kaming pinapagalitan ni Mommy. Si Kuya John Ace, marunong din siyang magluto. Si Ate Jhoace marunong din ngunit limitado lang. Pinalaki kami ng magulang namin na marunong sa loob ng bahay tuwing araw ng linggo day off ng mga kasambahay nami. At kami ang gumagawa ng gawaing bahay. Iyon kasi ang gusto ni Mommy. Ayaw niyang matulad kami sa kanya. Ngumiti ako sa kanila. "Bakit naman kasi pinagtitiyagaan niyong dalawa 'yan? Mayroon akong itinabi para inyong dalawa." "Talaga!" Sabay pa nilang sabi. "Yap!" Tapos binuksan ko ang malaking refrigerator namin at kinuha ang kulay pulang plastik na pinaglalagyan ng Ice cream na ginawa ko sa kanila. Inabot ko iyon sa kanila. "Ayan! Bigyan niyo ang mga anak niyo at asawa niyo." Ang lapad ng ngiti nila nang kunin ang ice cream. "Bawal si Raven at Clarence Miguel nito. Sasakit ang ngipin nila." Sabi ni Ate Jhoace. "Tama ka diyan, Twin. Bawal din ang mga anak at asawa ko. Si Heira nagda-diet iyon. Ang mga anak ko naman baka ubuhin." Sabad ni Kuya John Ace. Habang nilalantakan nilang dalawa ang Ice Cream. "Ang sabihin niyo ayaw niyo lang mamigay. Ang tatakaw niyo baka sumakit ang tiyan niyong dalawa." "Hindi sa'min tatalab 'yan. Nakaka-miss kasi ang mga niluluto mo. Kaya sa susunod, sa tuwing pupunta kami dito. Pagluluto mo kami ng paborito naming pagkain." Ani Ate Jhoace. "No problem Ate. Isa pa, isama niyo ang mga pamangkin ko at ang asawa niyong dalawa." "Siya nga pala Shawn. Kumusta na pala ang love life mo? May girlfriend ka na ba?" "Wala pa Kuya." Sagot ko. Huminto sa pagkain si Kuya at bahagyang umangat ang kilay. "Bakit wala pa? Wag mong sabihing lalaki ang gusto mo?" Tumawa ng malaks si Ate Jhoace. Hayss! Ito naman silang dalawa. Hanggang ngayon ako pa rin ang paborito nilang asarin. "Wala pa akong nakikitang babae na magpapagulo ng puso at isip ko." "Sa itsura mong yan maraming babae ang humahabol sa'yo. Wala ka bang napipili sa kanila?" Ani Kuya John Ace. Tinitigan ko sila. "Ayokong ako ang nililigawan. Gusto ko, ako ang nanliligaw. Gusto kong pinaghihirapan ko ang babae para sagutin ako." "Shawn, wala ng babaing Maria Clara ngayon. Karamihan sa mga babae ngayon. Sila na ang nanliligaw sa lalaking gusto nila." Pang-asar na ngumiti si Kuya John Ace kay Ate Jhoace. "Ako ba ang pinaparinggan mo Kuya?" Nakataas pa ang kilay ni Ate Jhoace. Tumawa si Kuya John Ace. "Masyado ka namang affected Jhoace. Hindi ko naman binabanggit ang pangalan mo." "Sabihin mo na! Nahiya ka pa." Pagtataray ni Ate Jhoace. Muli akong umiling sa kanilang dalawa. Hindi pa rin silang dalawa nagbabago kahit may mga asawa at anak na sila. Ganyan pa rin ang ugali nila. "Bago pa kayo tuluyang magkapikunan. Ma-iwan ko muna kayo. Mag-aasikaso muna ako sa pagpasok na ako sa school." "Sige, Shawn mag-iingat ka." Sabi ni Ate Jhoace. "Dito ba kayo magdi-dinner?" Sabay silang tumango. "Yes, mamaya nandito na ang mga anak at asawa namin Shawn." Sagot ni Kuya John Ace. "Okay, maaga akong uuwi para ipagluto kayo ng masarap na pagkain mamayang dinner. Bye! Kuya and Ate." Sabi ko bago ako umalis. Pagkatapos umakyat ako sa second floor ng bahay namin upang pumunta sa kwarto ko. Kailangan kong pumasok sa school ngayon dahil may final exam kami. Ilang oras din ang ginugol ko sa pag-aayos sa sarili bago ako sumakay ng kotse ko patungo sa School. **** SPIA or Saint Paul International Academy. Pagmamay-ari ito ng Lola at Lolo ko. Pero ngayon si Daddy na ang namamahala ng School na ito. Kaya naman kilala kaming lahat na magkakapatid sa school. Maging ang mga kaibigan namin ay kilala rin dito. Bukod do'n. Nakagawian na ng mga estudyante rito ang abangan kami tuwing parating kami. Tinitilian kami ng mga kababaihan at ayoko ng gano'n. Mas gusto kong normal lang ang pakikitungo nila sa'kin. Pero sabi nga ng mga kaibigan ko. Hindi raw ako isang Santiago kung walang ganito. Pagbaba ko pa lang sa kotse. Naririnig ko na ang tiliin nila. Sinuot ko tuloy ang Bluetooth headset ko upang hindi ko sila gaanong marinig. "Kyaaah! Shawn Skyler!" Narinig kong sigaw nila sa kabila ng naka-bluetooth headset ako. Habang naglalakad ako. Biglang may tumapik sa magkabilaang balikat ko. Nang lingunin ko si Duke Hairu ang kapatid ng hipag ko. At si John Patrick ang bestfriend ko mula noong High school. "Bakit ngayon ka lang Dude?" Tanong sa'kin ni John Patrick. "Bakit maaga pa naman ako?" "Di ba usapan natin maaga tayong papasok para magreview?" Sabi ni John Patrick. Ngumisi ako. "Ayos lang 'yan, sigurado namang masasagutan niyo ang exam kahit hindi kayo nagreview." "Siyempre naman." Sabad naman ni Duke Hairu. Nakatawag pansin sa'min ang babaing nakasuot ng uniform na taga Weibford. Kung tawagin sa'min dito ay kalaban. Dahil numero unong kalaban ng school namin ang weibford sa lahat ng sports. May mga pagkakataong pati ang ibang estudyante ng school nila at school namin ay nagkakagulo. Nang lumapit kami sa babaing nakatalikod. Napansin naman naming ang dalawang kasama ng babae na gulat na gulat. Pareho silang galing sa Weibford. "Manong, ano ba 'yang mga estudyante rito napaka-very important person. Ano? Dahil ba anak siya ng may-ari ng school magpapa-late na siya? Akala mo sobrang gwapo. Ano siya si Dao ming zu!" walang preno sabi ng babaing nakatalikod. Nagkatinginan kaming tatlo. Obvious naman na ako ang tinutukoy niya. Nagkibit-balikat ang dalawa kong kaibigan. "Another Fan mo."sabi ni John Patrick. "Ella!" tawag ng kasama niyang babae. Mas lumapit pa ako sa kanya at pinakinggan ang pinagsasabi ng babaing nakatalikod sa'kin. Na nagrereklamo sa security guard ng school. Kakamot-kamot sa ulo ang security guard nang makita ako. "Shut up ka muna diyan Loren!" sabi pa ng babae sa kaibigan niyang babae. "E-Ella, stop na girl." Nauutal na sabi ng babaing tinawag niyang Loren. "So, Ella pala ang babaing bungangera na ito." sa isip-isip ko. "Alam niyo Kuya, dapat diyan sa Shawn Skyler na 'yan nire-report para mawala kayabangan! Gigil niya ako!" Pumihit siya patalikod upang umalis na ngunit dahil nasa likuran lang niya ako kaya nabangga niya ako at nawalan siya ng panimbang. Mabilis ko siyang sinalo kahit na nga inis ako sa kanya. Dahan-dahan niyang inangat ang mukha niya at halos magkulay suka ang mukha niya nang tumingin siya sa'kin. "Carefull Miss." sabi ko. "Oh my gosh!" Ang laki ng mga mata niya habang pinapasadahan ako ng tingin. Marahil hindi siya makapaniwalang may adonis siyang kaharap. "Are you done checkin me, miss Sexy." ngumiti ako sa kanya. Pasimple ko siyang pinagmasdan. Maganda siya at sobrang sexy. Ang lambot ng balat niya. Nakaka-distract rin ang malaki niyang hinaharap. Bigla tuloy akong pinagpawisan sa berdeng iniisip ko. Ngayon lang ako nagpantasya sa babae ng gano'n kabilis. "A-Ahh—" nauutal niyang sabi. Habang namumula ang mukha niya. "Sir Shawn, hinahanap po kayo ng babaing 'yan. Nagagalit na nga siya." sabad ng security guard. "Why Miss sexy, anything I can do for you." tinitigan ko pa siya mula ulo hanggang paa pagkatapos na-stock ang mga bata ko sa dibdib niya. "s**t! My eyes!" Marahil napansin niya akong nakatitig sa kanya. Kaya Pasimple niyang niyakap ng hawak niyang libro ang dibdib niya. Tinitigan niya ako. "May kailangan ako sa'yo Shawn. Gumawa ako ng story at ang bidang lalaki ay ang pangalan mo. I mean ikaw mismo. Hindi ko siya mapapasa kung hindi ka papayag na gamitin ang pangalan mo." sabi niya. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. "Wala akong pakialam sa baduy mo'ng story. Baguhin mo ang pangalan kung ayaw mo'ng kasuhan kita." pagkatapos nilampasan ko siya. "Mr Shawn Skyler Santiago!" sigaw ng babaing si Ella. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman ko ang masakit na tumama sa ulo ko. "f**k!" napamura kong sabi. Muli ko siyang nilingon at matalim na tumingin sa babaing may malaking hinaharap. "I'm sorry, pero basahin mo ang story na ginawa ko. Please!" pakiusap ko niya. "Pasalamat ka at naging babae ka." Nilingon ko ang ibinato niya sa'kin. Badtrip kaya pala masakit dahil libro pala iyon. Dinampot ko ang libro at pagkatapos nagpatuloy ako sa paglalakad. "Grabe! Shawn. Ang ganda ng babaing iyon. Jackpot ka!" Sabi sa'kin ni John Patrick. Habang naka-upo na kami sa loob ng classroom. Wala pa ang profesor namin kaya may kanya-kanyang kwentuhan sa loob ng classroom namin. "Psh! Fan girl." Pinagmasdan ko pa ang ibinato niya sa'king
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD