Lenny EWAN BA niya kung bakit nagawa niyang halikan si Ajax. May kung anong simbuyo ang nagtulak sa kan'ya para gawin iyon o baka sadyang na-miss niya lang talaga ang binata. Aminado siyang nang mahawakan niya ang katawan nito, hindi na niya napigilan ang silakbo ng kanyang damdamin. Nag-init ang katawan niya. Bumalik sa isipan niya ang panaginip niya kung saan may naganap sa kanilang dalawa. Mabuti na lang at agad siyang natauhan saka mabilis na tumayo mula sa kandungan nito at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ni Ajax. Grabe ang dagundong ng dibdib niya. Mga one thousands! Sakto naman nang pagbaba niya ay dumating si Nanay Ellen. Tinulungan niya agad ito sa mga pinamili nito. "Si Ajax gising na?" kapagkuwa'y tanong nito. "Opo. Gising na gising na siya," tugon niya agad. Ngumit

