Lenny NAPAMULAGAT siya nang maabutan niya sa salas si Ime habang buhat-buhat na ni Ajax si Xandra papunta sa kotse. "Anong nangyari?" tanong niya agad kay Ime. Bakas sa mukha nito ang gulat at pangamba. "Dinugo si Xandra. Kanina kasi...sigaw siya nang sigaw tapos...nang makita niya ako, pinagduduro niya ako. Nagdilim ang paningin ko, nasampal ko siya, Ma'am. Tapos natumba siya, tumama 'yon tiyan ni Xandra sa kanto ng upuan." Kabadong paliwanag ni Ime sa kan'ya. Ramdam niya ang panginginig nito. Narinig pa niya ang pag-alis ng kotse ni Ajax. Isusugod nito sa hospital si Xandra. Niyakap niya si Ime upang pakalmahin ito. "Kinakabahan ako, Ma'am. Baka paalisin ako sa trabaho ni Sir. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit sa akin ng ganoon." Naiiyak na wika ni Ime. Medyo nabigla siya

