LENNY LAGLAG ang balikat na tumalikod siya at nagtungo sa kuwarto niya. Parang pinipiga ang puso niya dahil sa mga narinig niya sinabi ni Ajax. Hindi siya kilala ng binata at hindi rin siya nito gusto. Bakit ba kasi makulit siya at nagpupumilit na manatili dito sa bahay ni Ajax gayon ramdam naman niya ayaw sa kaniya ng binata. Kailanman ay hindi magkakatotoo ang isang ilusyon lamang niya. Magkaibang personalidad ang Ajax na ito sa Ajax sa panaginip niya. Umiling siya. Kathang isip niya lang kasi iyon. Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Hindi bale. Tatapusin na lamang niya ang isang buwan niya bakasyon. At least, sa loob ng isang buwan makakasama pa niya si Ajax. Pagkatapos, uuwi na siya ng Maynila. Mag-mo-move on na siya. Sisikapin na niya ayusin ang sarili. No more hallucinati

