AJAX TOWNSVILLE, AUSTRALIA "AYOS ka lang ba, Ajax?" Narinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Nanay Ellen. Ang kanyang sixty years old na Yaya. Napabuga siya nang malalim na paghinga. Simula nang magising siya mula sa pagkaka-comatose, maraming bagay ang gumugulo sa isipan niya. Una, nalaman niyang namatay ang mga magulang niya sa car accident at himalang nakaligtas siya. Hindi niya maalala kung anong saktong nangyari. Napakabilis ng lahat, sa isang kisip-mata lang nawala na lang ang lahat. Pangalawa, hindi siya makapaniwalang na-comatose siya ng isang taon. Pero bakit pakiramdam niya halos isang dekada siyang nakatulog? Nagkaroon siya ng isang mahabang panaginip, no'ng una akala niya ay totoo lahat ng nasa isipan niya subalit, kinumpirma ng kanyang psychiatrist doctor na lahat ay isang

