KATATAPOS lang gumawa ni Margaux ng lychee salad nang tumunog ang doorbell. Dali-dali siyang nagpunas ng mga kamay at tinungo ang pinto. Sumilip muna siya sa peephole. Tulad ng dati ay stargazer uli ang bumulaga sa mga mata niya. Sa pag-aakalang delivery boy iyon ay agad niyang binuksan ang pinto. Ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang limang lalaki ang bumulaga sa kanyang mga mata. Kagabi ay nakita at nakilala na niya ang sikat na grupo, maliban kay Miro na hindi na niya nakita kagabi pagkatapos siyang iwan sa rooftop. “A-ano’ng ginagawa ninyo rito?” tanong niya, hindi malaman ang gagawin. Palihim niyang sinuri ang damit niya. Maayos naman ang suot niya at hindi nakakahiyang iharap sa mga ito. Iniabot ni Mike sa kanya ang mga bulaklak. “Hi! Makikikain sana kami ng alm

