Kabanata Apat: Save Me

1899 Words
"Everything happens for a reason." TRIGGER WARNING Lilie "Mamamatay tao ka! You killed her!" Nagulat na lamang ako ng duruin ako ng Ama ko sa noo. Paulit-ulit niyang sinisigaw sa akin na ako ang dahilan ng pagkamatay ni Mama. Ako ang sinisisi niya. Hanggang ang sigaw niya ay mas lalo pang lumakas at paulit-ulit na pumapasok sa utak ko na kasalanan ko ang lahat. "Mamamatay tao ka!" Napabalikwas ako dahil sa panaginip ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko na akala mo ay hinahabol ako ni Kamatayan. Miski ang pawis ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sobrang lamig nito. Sa loob ng isang buwang pagkawala ni Mama ay araw-araw kong napapanaginipan si Papa at sinisisi ako sa lahat. Pakiramdam ko ay ayaw niya akong patahimikin at gusto niyang magdusa pa ako ng sobra-sobra. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa sobrang sama ng panaginip ko. Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko kaya mabilisan ko itong pinunasan. I deserve to suffer, I deserve this. Nakailang buntong hininga pa ako bago kumalma at mabalik ako sa huwisyo. Nang tingnan ko ang orasan ay alas-sais na pala ng umaga. Alas-otso ang pasok ko kaya bumangon na ako at nilinis muna ang kuwarto bago maligo at umalis na para pumasok sa University. Pagkatapos ng gawain ay mabilis ko nang inihanda ang bag ko. Nang wala ng nakasaksak ay mabilisan ko ng nilock ang pinto at nagmamadaling sumakay dahil male-late na ako. Pagdating ko sa classroom ay nakatingin sa akin ang lahat kaya pinabayaan ko na lamang sila. Siguro ay naninibago sila sa akin ngayon. Kada papasok kasi ako ay nakangiti agad ako. Pero iba ngayon, mugtong-mugto ang mata ko. Umupo na lamang ako sabay kuha ng earphone at biglang tumunog ang kantang pamilyar sa akin. Would you know my name If I saw you in heaven? Would it be the same If I saw you in heaven? Mom if we see each other in heaven, you will remember me or it's still the same? Tinigil ko na ang pakikinig dahil dumating na ang professor namin sa filipino, bumati muna siya bago dumiretso sa lesson namin ngayong umaga. Sa loob ng isang buwan na wala si Mama ay sinisikap ko pa ring mag-focus sa pag-aaral ko. Gusto ko kasing tuparin 'ang sinabi ko sa kanya na gagraduate ako bilang isang Magna c*m Laude, basta may award ako kahit wala na siya. Napatigil ako sa pagsulat ng notes dahil sa naging tanong ni Ma'am Sanchez, ang teacher namin sa Filipino. "Anong mas mahirap sa inyo, ang magpatawad o ang makalimot?" At nang tanungin ni Maam iyon ay nag-ingay ang ilan sa amin kaya pinatahimik niya ang mga ito. Habang ako naman ay napaisip. Forgiving someone who doesn't even say sorry to you is a kind of strength to me. Pero siguro ang pinaka-mahirap ay ang makalimot. Yes, we forgave them but we will not forget how they hurt us. Ma'am, kung ako ang tatanungin mo. Mahirap silang dalawa. Mahirap patawarin ang isang taong grabe ang kasalanang ginawa sa atin, pero mas mahirap makalimutan 'yung ginawa nila sa atin. Habang pinapakinggan ko ang mga sagot ng kaklase ko ay napangiti na lamang ako at itinuon ang sarili ko sa paggawa ng notes para sa finals namin. … Alas-otso na ng gabi nang makalabas ako sa University namin. Pumunta pa ako sa library para tapusin ang mga research at assignment na binigay sa amin. Ilang buwan na lamang ay ga-graduate na ako sa college. Pagkalabas ko ay walang sasakyan na dumadaan. Kahit pwede namang lakarin ko na lang ang subdivision namin ay mas pinili ko na lamang na mag-tricycle dahil sa pagod na nadarama ko. Ilang minuto pa ang tinagal ko pero wala talaga, kaya napag-desisyunan ko na lamang maglakad at ginawa ko na nga. Habang naglalakad ako ay may nararamdaman kong may sumusunod sa akin kaya mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko. Ramdam ko na rin ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Namumuo na rin ang pawis sa noo ko, nanlalamig na rin ang katawan ko. Mas lalo pa akong kinabahan dahil madilim at talahiban na ang parteng dadaanan ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago tumakbo pero may biglang humiklat sa braso ko at may tinutok sa akin na isang bagay na malamig. Anak ng! Huwag mong sabihing--- "Sige, sumigaw ka. Pasasabugin ko ang ulo mo," bulong niya sa akin, magsasalita pa sana ako pero naramdaman kong hinampas niya ako sa ulo ng baril na hawak niya. Kaya nakaramdam ako ng matinding hilo at pagdaloy ng dugo sa pisngi ko. Nanginginig ang tuhod ko nang hilahin niya ang buhok ko at dinala sa kung saan. Namalayan ko na lamang na hiniga niya ako sa damuhan. Nanginginig ang labi ko nang magsalita ako, "K-kuya, parang awa mo na. Pakawalan mo po ako." Napahiyaw na lamang ako ng bigla niyang punitin ang pang-ibaba kong suot kaya sinipa ko siya sa gitnang bahagi nang malakas. Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Kaya kinuha ko ang pagkakataon na makatakas. Gumapang ako para makatayo pero napasigaw muli ako nang hilahin niya ang buhok ko at pinaharap sa kaniya. Hindi ako makahinga nang bigla niya akong sakalin ng sobrang higpit. Kaya nanlaban ako at pinagkakalmot siya sa mukha. Ginawa ko ang lahat para hindi siya magtagumpay sa pinaplano niya sa akin. "Tang'na kang babae ka, manlalaban ka pa!" Sigaw niya sabay suntok sa sikmura ko dahilan para panawan ako ng ulirat. Napasigaw ako sa sakit at napahagulgol ng bigla niyang ipasok ang kaniya. Gusto ko pang manlaban pero wala nang lakas ang katawan ko. At ginawa niya ang bagay na babaunin ko habang buhay. Nang matapos siya sa ginawa niya ay tumayo siya at ngumisi. "Salamat sa gabing ito, Miss," mala-demonyong saad niya at kinasa ang baril na hawak niya at itinutok sa akin. Yakap-yakap ko ang sarili ko at nagmamakaawang tumingin sa kanya. Umiling ako na senyales na 'wag niyang gawin ang binabalak niya. Napa-hagulgol na lamang ako ng ngisi lamang ang sinagot niya sa'kin. "Siguro, mas mabuting patahimikin ka na lang." Napa-igik ako ng barilin niya ako sa tagiliran kaya napahawak ako dahil sa tindi ng sakit. Mas lalo ko pang niyakap ang katawan ko kahit punong-puno na ito ng dugo. Napa-hagulgol na lamang ako sa nangyayari sa akin. Do I deserve this? Hindi ko alam kung ano ang kasalanang nagawa ko para ganituhin ako ng mundo. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko para mangyari sa akin 'to. Naramdaman kong hinigit niya ako at kinaladkad kung saan, kahit nanlalabo ang paningin ko ay nakita kong nasa kalsada na kami. "Saan ka kaya puwedeng itapon," natatawa niyang saad at mas lalo pa akong hinigit. Nabigla na lamang ako ng bitawan niya ako at narinig ko siyang napamura. "Putcha! May paparating, mamamatay ka rin naman kaya iiwan na kita," narinig kong sabi niya at tinadyakan pa ako sa tagiliran bago tumakas. Ang tanging nagawa ko lamang ay tumulala sa kalangitan at iiyak ang mga sakit na dinaranas ko ngayon. Gusto ko nalang mawala, gusto ko na lang maglaho na parang isang bula. Tanging iyak at panalangin ko lamang ang naririnig ko sa gabing ito. Kasabay ng mga kuliglig at kulisap, sumasabay rin sila sa nararamdaman ko. Napahigpit ang hawak ko sa tagiliran ko ng lalo itong kumirot, bumibilis na rin ang paghinga ko. Ramdam ko na rin ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Pero, bago ko pa tuluyang ipikit ang mga mata ko ay naaninag ko pa ang isang liwanag na tumama sa direksyon ko. Kasabay ng paglamon ng kadiliman ay siya namang bigkas ng mga salitang hindi ko akalaing sasabihin ko. "Save Me." ... Someone POV "Once we launched that kind of product, do you think everyone will buy it? I mean, all of us are dreaming to be one of those stars in the industry of perfume. But, what if everyone will not afford that kind of product because of the price? " I asked one of my clients but he didn't answer my question. "The artists, Mr. Montiero. They will be the one who buys it," he said and smiled at me. Napataas ang kilay ko at kumulo ang dugo ko sa paliwanag niya sa akin. "Paano naman ang mga taong normal na kagaya natin na gusto ang product natin, anong gagawin mo?" Sa ikalawang tanong ko ay hindi siya naka-sagot. Kitang-kita ko kung paano manginig ang kamay niya at tumingin sa akin ng deretso. "Hindi ko po alam ang gagawin ko po, Mr Montiero." "Bakit hindi mo alam?! Dapat alam mo dahil pinag-planuhan mo nga ito nang mabuti!" Pagsigaw ko kaya napayuko ito. Sumigaw ulit ako kaya napatingin ito sa akin. "Last question..." huminga muna ako nang malalim bago ipagpatuloy ang sasabihin ko. "Magwowork ba 'yang plano mo?" Kaya napailing ito at sumagot, "Hindi ko rin po alam, Sir." Kaya napangisi ako at sinamaan siya ng tingin dahil sa naging sagot niya. Lumabas din ang totoo na hindi pala talaga siya sigurado. "Meeting adjourned," saad ko sa malamig na boses at unang lumabas. Nagngingitngit ako sa galit na nararamdaman ko. Imagine, binigyan ko ng isang linggong palugit tapos hindi man lamang napaghandaan ng maayos. Napalingon ako sa likod ko ng may nagsalita, pagtingin ko ay si Mr. Santiago, lumapit ito sa akin at nakipag-kamay. "I want to invest," wika niya kaya napangiti ako. "What is it Mr. Santiago?" "Hindi ano kundi sino." Kaya kumunot ang noo ko at tuluyan ng nakasimangot. Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Ang anak niyang babae na gustong ipakasal sa akin pero ayaw ko kaya tumalikod na ako. Bastos na kung bastos. "Mr. Montiero bakit ayaw mo bang pakasalan ang anak ko? sampung taon lang naman ang agwat niyo sa isa't-isa." Kaya galit akong lumingon sa kaniya. "Because I don't interested and love your daughter! So stop your f*****g nonsense investment!" Galit kong sigaw at tuluyan ng tumalikod. Galit akong umalis sa kumpanya. Habang nagdadrive ako ay ramdam ko pa rin ang galit na nararamdaman ko ngayon, kaya huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ang ayoko sa lahat ay ang mga taong hindi muna nag-iisip bago gawin ang isang bagay. Mas pinabilis ko ang takbo ng kotse ko dahil madilim ang parteng dadaanan ko at talahiban pa. Baka mamaya malintikan ako at sayang naman ang kagwapuhan ko. Pero habang binabaybay ko ang daan pauwi ng bigla na lamang akong napa-preno at napamura ng makita ko ang isang babaeng nakahandusay sa daan. Kaya dali-dali akong bumaba at tiningnan ang kalagayan niya. Pagkakita ko sa hitsura niya ay akala ko ay kumalma na ako pero mas lalo lang palang sumiklab ang galit ko dahil sa nakita ko. Kaya nilapitan ko siya at lumuhod. Duguan ang mukha ng babae, may pasa at higit sa lahat ay sira-sira ang damit niya. Mas lalo pa akong namutla noong nakita kong sobrang dami nang dugo sa tagiliran niya. Kaya agad kong hinubad ang coat ko at pinakiramdaman ang pulso niya. Nakahinga na lamang ako nang maluwag na meron pa siyang pulso. Napatingin ako sa mukha niya dahil naririnig kong nagsasalita siya. "Save me." Kaya dali-dali ko siyang binuhat at nararamdaman kong nanginginig ako hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit. Pinunasan ko ang dugo sa mukha niya at tinawagan ko kaagad ang taong mapagkakatiwalaan ko sa oras na ito. "Elise..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD