Kabanata Pito: Heal You

1955 Words
"You're not useless." Lilie I don't know why I'm still here in this world. I mean, after all the pain that they gave to me I will wake up everyday just to suffer and make myself miserable and worthless. Napatingin ako sa pala-pulsuhan ko nang makitang may benda na naman ito. Inalala ko ang nangyari kagabi at natawa na lamang. Bakit sa tuwing sinasaktan ko ang sarili ko ay nandiyan siya palagi sa akin. Unti-unti kong tinapak ang mga paa ko sa sahig at pumunta sa banyo para tingnan muli ang sarili ko. Dahan-dahan kong hinarap ang sarili ko sa salamin at natulala na lamang. Kitang-kita ko ang malaking pagbabago sa akin, mula sa mukha hanggang sa katawan kong namayat talaga. Pakiramdam ko, sa bawat araw na dumadaan ay nagiging pabigat na lang ako sa mga taong tumulong sa akin. Pakiramdam ko wala akong kwenta, walang pakinabang sa mundo. Pakiramdam ko, sinasayang ko lang ang oras at panahon nila sa akin, mga oras nila na handa silang tulungan ako pero miski ang sarili ko ay hindi ko maggawang tulungan. Wala akong kuwenta dahil dahil hinayaan kong kitilin ni Mama ang sarili niya at alam kong kasalanan ko 'yon. Kung maiibabalik ko lang ang oras kung saan may tapang akong sabihin kay Mama ang lahat, siguro hindi umabot sa gan'to. Kung maiibabalik ko lang ang gabing ginawa sa akin ang kababuyan na 'yon, siguro hindi ako mahihirapan ng ganito, siguro kung tumakbo ako noong oras na 'yon, makakaligtas pa ako. Kung maiibabalik ko lang ang oras, siguro... hindi ko mararanasan ang maging ganito. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat. Hindi ko namalayang nasuntok ko ang salaming nasa harapan ko. Napasigaw ako sa sakit hindi dahil sa mga bubog na bumaon sa mga kamay ko kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko para sa sarili ko. "I'm useless," paulit-ulit kong sinasambit sa sarili at hindi ko namalayang may yumakap sa akin dahilan para lumakas lalo ang pag-iyak ko. "I'm a useless person who doesn't deserve to live!" Third Person Seryosong nag-uusap ang dalawa, si Lucas at Elise. Pinaguusapan na naman nila ang kondisyon at ginawa ng dalaga. "She's hurting herself again and again at para hindi na niya gawin iyon ay kailangang may tumulong sa kaniyang iparamdam na may halaga ang buhay at sarili niya. And I know that you're the one who will help her, Lucas," sabi sa kaniya ni Elise kaya napatingin siya rito. "Naghihisterikal nga siya kapag may lalaking lumalapit sa kaniya at humahawak", sagot naman ng binata dahilan para tumawa ang pinsang kausap niya. "Then prove to her na hindi mo siya sasaktan. That's why I choose and trust you Lucas. Alam kong ikaw ang magiging way para ibalik ang tiwala at halaga niya sa sarili at sa ibang tao." ... After Lucas and Elise talk about the condition of Lilie. Lucas decided to visit the woman in her room. Pagpasok niya ay nakita niyang wala sa higaan ang dalaga kaya dahan-dahan siyang pumasok at nakita niya itong nasa c.r at umiiyak. Gusto niyang lapitan ang dalaga at yakapin, nasasaktan siya, nasasaktan siya para sa dalaga. Gusto niyang yakapin ito para maibsan ang sakit na nadarama ng dalaga. Lucas was stunned when he witness the next scene, nakita niyang sinuntok ng dalaga ang salamin, kitang-kita niya ang pagsigaw at pagdaloy ng dugo mula sa kamay ng dalaga. Kaya napatakbo si Lucas papunta sa dalaga at hindi nagdalawang isip na yakapin ito. Mas lalong napaiyak ang dalaga at nagpupumiglas ito sa kaniya kaya mas lalo niya pa itong niyakap ng sobrang higpit. "Bitawan mo ako! I'm useless! I'm useless to this f*****g world!" Sigaw ng dalaga dahilan para mapaupo sila sa sahig ng banyo. Iyak lamang ng iyak ang dalaga habang nakasandal sa kaniyang dibdib. "I'm useless, I'm useless" Ayan ang paulit-ulit na sinasambit ng dalaga sa kaniyang sarili habang ang binata naman ay tinataliwas ang lahat ng ito. "No, you're not useless Darling. You're worth it. Please, please stop hurting yourself again. You're hurting, I'm hurting. Please, let me heal you," sambit niya sa dalaga dahilan para kumalma ito. Tanging malalalim na paghinga na lamang nilang dalawa ang naririnig ngayon sa banyo. Rinig pa rin ni Lucas ang mumunting hagulgol ni Lilie. Mga ilang minuto pa ang lumipas bago tumayo si Lucas na buhat-buhat si Lilie at pagtingin niya ay nakatulog na pala ito. Kaya dahan-dahan niya itong nilagay sa kama at siya namang pagdating ni Elise na nagulat sa nasaksihan niya. "Did she hurt herself again?" Tanong niya sa binata kaya napatingin ito sa kaniya habang kinukuha ang medical kit upang gamutin ang sugat ng dalaga. Habang ginagamot naman ni Lucas si Lilie ay nililinis naman ni Elise ang mga basag na salamin. "Lucas, magpalit ka muna ng damit mo, may mga mantsa pa kasi ng dugo." "No, dito muna ako sa tabi niya baka kasi may gagawin na naman siya." "Ako muna ang magbabantay sa kaniya, huwag kang mag-alala," mahinahong saad ni Elise kaya nagdadalawang isip si Lucas at umalis na para magpalit ng damit. Lilie Pagkagising ko ay may nakahanda ng pagkain sa tabi ko. Tocino at sinangag ang nakalagay sa plato at may mansanas pa na nakalagay rin dito. "Kumain ka muna, para bumalik ang lakas mo." Napatingin ako sa lalaking nagsalita na lamang bigla. Napatitig ako sa mukha niya, mula sa ilong, labi,at napatigil ako sa mata niyang black ang kulay. Mga ilang segundo ko lamang siyang tinitigan at muling umiwas. Maputi rin pala siya, masasabi kong magandang lalaki siya. Nakasandal siya sa pintuan habang nakatingin sa akin ng seryoso. Bigla na lamang itong lumapit sa akin dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. Kinuha niya ang pagkain ko at nilagay sa tabi ko, nakatingin lamang ako sa kaniya habang inaayos ang pagkain ko. Ang alam ko pamilyar siya sa akin. Tumingin muna siya sa akin bago magsalita. "You should eat, Lilie. Para manumbalik ang lakas mo, tingnan mo ang payat mo na." Hindi ko pinapansin ang sinasabi niya pinaga-aralan ko lang mabuti ang mukha niya. Alam kong nakita ko na siya. Biglang nanlaki ang mata ko nang maalala ko kung sino siya. Siya 'yung lalaking pinakita sa akin ni Alexandra! "L-lucas." Hindi ko namalayang nasambit ko ang pangalan niya kaya napatingin ito sa akin. "Kilala mo na pala ako," saad niya at ngumiti sa akin dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi dahil kinilig ako, dahil sa kabang nararamdaman ko ng magsalita siya. Nakaramdam agad ako ng pagkapahiya. "Ha?" Tanging nasabi ko na lamang. "Ha? Kumain ka na," Pambara niya sa akin at hindi sinasadyang mahawakan ang kamay ko. Kaya nanlaki ang mata ko at biglang inagaw ang kamay ko mula sa kaniya dahilan para mapalayo siya sa akin ng kaunti. "I'm sorry, hindi ko sinasadyang hawakan ka," saad niya sa'kin habang nakatingin sa akin ng diretso kaya huminga ako nang malalim at ngumiti ng tipid sa kaniya. Lilie, kalma hindi ka niya sasaktan. Habang kumakain ako ay nakatingin lamang siya sa akin kaya naiilang ako at the same time ay hindi rin mapakali. Siguro ay nahalata niyang hindi ako komportable kaya umayos siya at nagsalita. "Kung may kailangan ka, pumunta ka lang sa kwarto ko na katapat ng kwarto mo. Just knock on my door and tell it to me," habilin niya at sinarado na ang pinto. Kaya binaba ko ang kutsara ko at natulala na lang sa pintong pinaglabasan niya. Anong ginawa ko para pagtiyagaan nila ang isang katulad ko? Hindi ba sila napapagod sa akin? Kasi ako, pagod na pagod na minsan sa sarili ko. ... Kinabukasan ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na kaharap ang taong tinawagan nila para tingnan ang kalagayan ko. Nakangiti siya sa akin ng malawak habang ako naman ay nakatingin lamang ng diretso sa mga mata niya. "Hi, Lilie. I'm Psychologist, I'm Mika," She gladly introduce herself to me. Hindi ako umimik o nagsalita man lamang. May kinuha siyang papel at ballpen at nilapag sa harapan ko. Mabilisan ko lamang itong tiningnan at binalik ang tingin sa kaniya. "How are you? Kung hindi mo kayang magsalita, you can write or draw your feelings." Sabay turo sa papel at ballpen na binigay niya sa akin. "I just want to die..." I said firmly but she just smiled so I continued talking to her. "Do you lost your mother? Do you lost yourself? Bakit may mga taong halang ang bituka at gumawa ng isang kababuyan?!" Deretsahan kong tanong sa kaniya ngunit may galit na nababakas sa boses ko, kaya tumango siya. "Yes, I lost someone in my life and of course I lost myself too. But with the help of people around me, I found myself again." "Kung sino man ang gumawa sa'yo no'n ay paniguradong pagbabayaran niya ito. You deserve the justice, Lilie. Walang sino man ang nais maranasan 'yon," dugtong niya pa. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Why do I have to feel this kind of pain? Do I deserve this? Why the world is so f*****g unfair to me?!" Ramdam ko ang sakit sa boses ko ng sabihin ko ang mga salitang 'yon. Sobrang bigat ng nararamdaman ko dahilan para maiyak ako pero agad ko rin namang pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko Hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita, "No, you don't deserve that kind of pain. They will help and accept you," sabay turo sa dalawang taong nasa labas ng kwarto. Tanging salamin lamang nakapagitan sa aming apat. Nagtama ang paningin namin ng isang lalaki, kitang-kita ko sa mata niya ang awa at galit. Kaya iniwas ko ang paningin ko at itinuon sa taong nasa harapan ko ngayon. "I lost my mother, I got raped... Do you think they will accept me and help me?! Hindi! Lalayuan nila ako at pandidirian nila ako dahil sa nangyari sa akin!" I shouted in so much pain. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko at umiling. Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata niya. "No, no... don't say that. They will accept and help you, Lilie," her voice become soft when she speak again. "Hindi ka nila pandidirian, just open your heart, eyes, and mind. They will help you. All you need to do is to trust us, Lilie. Please trust us, we can heal you..." ... Nagdaan ang ilang araw ng matapos ang pag-uusap namin ng Psychologist na 'yon. Nakayuko lamang ako habang nagdu-duyan, napatingin ako sa gilid ko ng tumabi sa akin, si Lucas. Nakangiti siya sa akin kaya iniwas ko ang pagtitig ko sa kaniya. "Hi," bati niya kaya muli akong tumingin sa kaniya, nilayo ko nang kaunti ang sarili ko dahil naiilang pa ako sa kaniya. "H-hi," naautal kong salita at tumahimik muli ang paligid. Naandito kami ngayon sa garden nila. Ang laki ng bahay niya, mansion na yata ito, eh. Ang babait pa ng mga tao rin dito. Kahit mailap ako sa kanila ay kinakausap pa rin nila ako at lagi akong kinu-kumusta. Hindi ko alam kung deserve ko ba ang ginagawa nila sa akin. Pakiramdam ko kasi ay pabigat lamang ako sa kanila. Lalo na kay Lucas, alam kong siya ang mas nahihirapan kaya nahihiya ako. Gusto ko mang magpasalamat at mapalapit sa kanila pero palagi akong pinangungunahan ng takot at pangamba. Gusto ko ng umalis sa ganitong pakiramdam na puro takot at pangamba ang lagi kong iniisip sa mga taong nasa paligid ko. Paano ako gagaling at magiging matatag kung hindi ko tutulungan ang sarili ko at nakaasa lamang sa kanila. Kung puro problema na lamang ang iniisip ko at hindi ang magagandang bagay. "Lilie," pagtawag niya sa akin kaya tumingin muli ako sa kaniya, hinihintay ang gusto niyang sabihin. Nagulat na lamang ako sa sinabi niya sa akin. "Ang ganda mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD