"There's someone who will save you, always." Lilie Napasinghap na lamang ako ng sabay kaming bumagsak ni Lucas sa lupa. Nabasag ang salamin ng kotse niya dahil dito tumama ang bala. Nagtalsikan pa sa amin ang iilang bubog ng salamin kaya napapikit ako. Nasa ibabaw ako ni Lucas at sobrang higpit ng yakap niya sa'kin. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso naming dalawa, miski ang paghinga namin ay sobrang bilis din, parang nakikipaghabulan kami kay kamatayan. Halos kapusin ako nang hininga ng itapat muli ng lalaking naka-motorsiklo ang kaniyang baril sa akin. Napapikit na lamang ako at hinintay ang balang tatama sa akin. Nagulat na lamang ako ng pagbaliktarin ni Lucas ang pwesto naming dalawa. Siya na ngayon ang nasa ibabaw ko kaya siya ang natamaan. Kitang-kita ko kung paano tamaan sa

