Shallimar Point Of View. PAGKAUWI namin sa Chang Rai, agad na kaming nag tungo kay Grandma, upang ipaalam sa kan'ya na mag kakaroon na s'ya ng apo sa tuhod, kahit ako hindi pa rin makapaniwala na buntis na talaga ako ngayon. "Sana naman may maganda na kayong balita, na ikakatuwa ko" pag bibiro ni Grandma, ngumiti lang kami bago nag bigay galang sa kan'ya. Pagkatapos umupo na kami sa tabi n'ya. "Finally Grandma! mag kakaroon na kayo ng bagong Apo!" tuwang tuwa ni Yuhan... "Talaga iha?" tumango lang lang ako, bilang sagot. "Oh! thank you! thank you! this is the best gift! i'm so so excited!" masaya nitong sabi, nag kuwentohan lang kami, pagkatapos no'n, agad na akong hinatid ni Yuhan sa bahay ng mga parents ko. Subra ko kasi silang na miss, almost two months ko rin silang hindi nakita

