"ATE dalian mo na!" exited na sabi ni Shawe, kasalukuyan kasi silang nandito ni Shallimar sa mall, dahil kailangan nilang mag grocery at mamili ng school supplies ni Shawe. "Puwede ba 'wag kang tumakbo, hindi naman aalis 'yan book store eh!" reklamo ni Shalli. "Nurse!" biglang tawag ng kung sino, kaya naman wala sa sariling napalingon si Shalli... "Nurse. Shallimar! ikaw nga!" sabay lapit ni Rico. "Oh! ikaw pala! buti naman magaling ka na!" ngiting ani ni Shalli. "Bakit wala ka na sa hospital? pabalik balik ako ro'n, pero bakit hindi kita nakikita ro'n? nag resign ka na ba Nurse?" malungkot nitong tanong. "Ano kaba hindi noh!" tawa n'ya... "but any way, bakit ka nandito?" tanong n'ya... "hmm! wala! ikaw?" balik nitong tanong. "Ate! halikana! ikaw?" gulat na tanong ni Shawe nang maki

