"ATE! please! parang awa n'yo na tulongan n'yo na po ako makatakas dito please!" paos na pag mamaka awa ni Shallimar. "Pasensya na po! pero ayaw ko pang mamatay! oh! eto inomin mo! para may lakas kapa" sabi ni Fheya, bago dahan dahan binigay ang baso kay Shall. "Please! Ate! parang awa n'yo nasa magiging anak ko, gusto ko pa s'yang mabuhay, gusto ko pang masilayan n'ya ang mundo, nag mamakaawa ako sa'yo! tulongan mo ako makatakas dito!" Pakiusap n'ya, pero malungkot lang s'ya tinignan ni Fheya, bago inabot sa kan'ya ang isang basong may lamang gamot, agad naman kinuha ni Shalli 'yon, dahil sa nauuhaw na s'ya. Akmang iinomin na n'ya ang gamot nang biglang agawin ni Fheya ang baso 'saka mabilis tinapon ito kung saan. "Makinig ka! mamayang gabi hintayin mo ako rito, dahil itatakas kita

