"SHAUNNAH!" tawag ni Shalli rito sa kuwarto, pero walang Shaunnah na sumagot, kaya agad na lang s'yang bumangon mula sa pagkakahiga nito sa kama, at dahan dahan tumayo. Napatingin na lang s'ya sa cellphone ni Yuhan nang biglang mag ring ito, naiwan siguro nito, kaya walang alilangan na lang n'yang sinagot 'yon, kahit pa unknown number, baka kasi importante 'yon. "Hello Mine! buti naman at sumagot ka kaagad, si Emily pala 'to, tumawag ako para sabihin sa'yo na buntis ako! magkaka baby na tayo Mine! magiging happy family na tayo ng magiging baby natin!" "'Wag kang mag alala, aalagaan ko nang mabuti ang baby natin, hanggang sa maka alis na ako dito sa lugar na 'to, hintayin mo lang ako Mine" Napatakip na lang ng bibig si Shalli, upang pigilan ang gustong kumawala n'ya higbi. "Mine! ang

