Shallimar Point Of View. "BEH! sigurado kaba sa gagawin mo? kinakabahan ako sa'yo eh! paano kung malaman nilang kasabuwat kita?" alalang tanong ni Pammy, habang kausap ko s'ya sa cellphone. "'Wag kang mag alala, hindi ka nila mahahalata kung magaling kang umacting, sige na gawin mo na, lahat ng history n'ya basta patungkol pa kay Shaunnah, tangalin mo d'yan, ni kahit isa wala kang dapat itira okay?" pa aalala ko... "oo na! sige na bye!" walang gana n'yang sagot, bago binaba ang linya. Agad na akong nag ayos para sa gagawin ko, nakasuot ako ngayon ng pang waitress, habang tulak tulak ang isang lalagyan ng mga food diet. Agad na akong pumasok sa hospital, at nag kunwaring, ako ang taga deliver ng food diet ng mga patient dito. Ngumiti lang sa akin ang guard, bago tinulungan pa akong it

