Shallimar Point Of View. "WAG kang mag alala, trust me! hindi kita hahayaan mamatay" tawa ni Morgan, na kina galit ko naman, nagagawa pa n'ya kasing tumawa, kahit nasa kalagitnaan na kami ng kamatayan. "Muntangan ka talaga! nagagawa mo pang tumawa, kahit mamatay na tayo dito!" galit kong sigaw, bago n'ya ako hinila patalon sa dagat, bago tuluyan ng lumiyab ang kotse n'ya at nahulog sa dagat kasabay rin ng pagkahulog namin sa malalim na tubig. Namalayan ko na lang na nandito na pala kami sa tabi ng dagat. "Morgan!" kabado kong tawag, dahil ang putla putla na n'ya... "i need your help, kailangan matangal na 'tong bala, kun'di matutuluyan na ako" hirap n'yang bigkas. "Paano? hindi ko alam! anong gagawin ko?" balisa kong tanong, ngunit bigla akong napatingin sa isang bahay, agad ko nang

