Chapter 66- Hints and Glitch

1531 Words

Myra's Pov: Mabilis na lumabas ako mula sa sasakyan. Mabuti na lang talaga at sanay na ako sa mabilisang pagpa-park ng sasakyan, hindi ko na kailangang alalahanin na may magagasgasan o may masasabitan ako. Ibinulsa ko ang susi at inayos ang pagkakasuot ng jacket. Dumiretso ako sa presinto at natakpan ko na lang ang mga tainga nang ang maingay at nagkamagulong mga tao ang sumalubong sa akin. Kung hindi nga lang ako aware na nasa loob ako ng presinto ay baka isipin kong naligaw na ako sa isang rally. Sobrang ingay ng mga tao at kulang na lang ay magkasakitan sila. Nakakapanibago lang dahil ito ang unang beses na nakita kong ganito kaingay at kagulo ang loob ng presinto. Hindi naman magulo ang bayan ng Raja Soliman, tahimik lang ang bayan namin at hindi rin ganoon kadami ang gulong nangya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD