Chapter 21- Moving On

2246 Words

Myra’s Pov: “Gusto mo raw kaming makausap, Hija?” tanong sa akin ni Papa. Hapon na at katatapos lang naming magmeryenda nang ipaalam ko sa kanila na gusto ko silang makausap. Narito kami sa study room, ako, si Lazarus at ang mga magulang namin. Tumango ako at hinintay na maipasok ng katulong sa silid ang mga ipinahanda ni Mama. Inilagay n’ya sa lamesa ang tray na naglalaman ng juice at ilang platito na may strawberry cake na dala ko pa noong nakaraan. Pilit akong ngumiti at bumaling kay Mama. “Nakaalis na ba si Tita Carina, ‘Ma?” Tumango si Mama. “May dalawang oras na. Huwag kang mag-alala dahil kahit hindi na ako magpaliwanag ay nauunawaan ni Carina ang nangyayari sa ‘yo. Naiintindihan n’yang mahirap pa para sa ‘yo ang nangyari at hindi makatutulong kung makikita mo ang kahit sino s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD