Chapter 3

2438 Words
Nagpaalam si Axel kay Kevin na may pupuntahan muna at hindi na nito kailangan pang sumama. Hinayaan naman siya ni Kevin at iniwan na rin siya. Inisip niya kung saan niya makikita si Fiona at dahil nagalit ito sa kanya ay nasisiguro niyang umuwi ito sa bahay nito. Kaya pinuntahan niya ito at hindi na niya maaari pang sabihin kay Kevin, kung ano man ang gagawin niya. Dahil, siguradong magtataka ito at baka mabuko pa sila ni Fiona. Nang nasa harap na siyang ng bahay nina Fiona ay tahimik siyang lumipad, patungo sa balkonahe ng silid ni Fiona. Napansin niya tahimik ang silid, ngunit nararamdaman niya ang presensya ni Fiona, kaya nangahas na siyang pasukin ito. Nang makapasok siya ay inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid ng kwarto nito. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo, kaya nahulaan na niyang naroon ito. Kaya hinintay na lamang niya ito at umupo sa couch, hanggang sa marinig niya ang pagpatay nito sa tubig. Ilang saglit pa ay lumabas mula sa banyo si Fiona. Nakita niyang nagpupunas ito ng buhok at bahagya pa siyang napalunok sa postura nito ngayon. Nakatapis lang ng towel, na hanggang heta. Nakaramdam siya ng kakaibang init, habang nakatingin ngayon sa dalaga. Mayamaya ay naglakad ito patungo sa wardrobe nito at kumuha ng damit, maging underware. Habang nakatingin siya dito, ay bigla siyang napasinghap nang tanggalin ni Fiona ang tuwalya niya. Agad namang napatingin si Fiona sa gawi niya, nang marinig ang ingay mula sa kanya. Nagugulat namang nakatingin sa kanya si Fiona at agad na tinapis muli ang tuwalya sa katawan niya. Ngunit huli na, nakita na ni Axel ang hubad niyang katawan at nagparamdam dito ng kakaibang pagnanasa. "W-What are you doing here?" kinakabahang sabi ni Fiona Napatayo si Axel, habang nakatingin ngayon kay Fiona. Tiningnan niyang mabuti ito, nakita niya ang nakausling dibdib nito na agad rin tinakpan ni Fiona. Kaya bahagyang natawa si Axel. "H-Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan? Bakit ka nga ba nandito?" naiilang na sabi ni Fiona kay Axel. Natawang muli si Axel at nagpatuloy sa paglalakad hanggang lumapit siya kay Fiona. Napaatras naman si Fiona, ngunit wala na siyang maatrasan. Kaya nagawa siyang ikulong ni Axel. "What are you doing? Trespassing ka na nga, ganyan ka pa makatingin sa akin. Kaya umalis ka na dito, bago ko pa tawagin sina Daddy," banta ni Fiona sa kanya. Napadikit siyang mabuti sa pader, nang ilapit ng mabuti ni Axel ang kanyang mukha kay Fiona. "Go on, I don't mind," hamon ni Axel. Sinamaan lang nang tingin ni Fiona si Axel at napatango-tango. "You! Fine, let see. Kung sino ang mapapatay nina Dad. Mana—" Hindi na nagawang ituloy pa ni Fiona ang kanyang sasabihin, nang maramdaman niyang ang halik ni Axel sa kanya. Masyado siyang nagulat sa ginawa nito. Pinagdikit ang pareho nilang labi, tulad nang naramdaman niya noon ay talagang bigla siyang nakaramdam ng kakaibang init sa kanyang katawan. Bumitaw si Axel sa kanilang halik at tiningnan si Fiona, na bakas pa rin ang pagkagulat. "Matapos mong sabihin ang nararamdaman mo, hindi mo man lang ako hinayaang makapagsalita at talagang umalis ka kaagad. Tsk! Kailangan talagang hanapin pa kita eh no?" sabi ni Axel dito at bahagyang nginisihan. "Alam mo bang ang salitang 'hiya'? Natural, makakaramdam ako ng hiya, matapos ko iyong sabihin saiyo. Hindi ko na rin hinintay na sumagot ka pa, dahil baka masaktan lang ako. Kaya agad akong umalis, kaya naman, bakit ka nga ba nandito? At talagang sa ganitong ayos mo ako makikita, Tsk! " napapailing na sabi ni Fiona at bahagyang tinulak si Axel. Subalit, hindi ito nagpatinag sa ginawa niya, kaya tiningnan niya ito. "Ano ba," saway niya dito. "Ayan ka na naman, aalis ka na agad na hindi pa ako nakakapagsalita. Paano na lang kung, sabihin ko saiyo na gusto kita. Malalaman mo kaya, ganoong ayaw mo akong pagsalitain?" sabi ni Axel. Natigilan naman si Fiona dahil sa sinabing iyong at napatitig ng mabuti. Napangiti si Axel sa nakitang reaksyon ni Fiona. Napaiwas nang tingin sa si Fiona sa kanya. "Purket sinabi ko saiyong gusto kita ay magiging ganito ka na lang bigla sa akin? Huwag mong gamitin an—" Hindi na nagawang makapagsalita pa ni Fiona, dahil hinalikan na siya ni Axel. Nagdikit ang kanilang mga labi. Mayamaya ay sinimulang igalaw ni Axel ang kanyang labi. Palipat-lipat ang pag angkin ni Axel sa itaas at ibabang bahagi ng labi Fiona. Hindi pa naranasan ni Fiona ang ganitong paraan ng paghalik, kaya wala siyang alam kung paano ito gawin. Ngunit, tila ba tinuturuan siya ni Axel, dahil sinasabayan na nito ang mabagal nitong pag angkin sa kanyang labi. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman niya ngayon, lalo sa paraan ng paghalik sa kanya ni Axel. Unti-unting bumibilis ang t***k ng puso, habang nakikipagpalitan siya nang halik dito. Ilang minutong naghinang ang kanilang labi, nang kusang bumitaw si Axel. Bahagya pang hinabol ni Fiona ang labi ni Axel, kaya natawa si Axel sa kanya. "You are a fast learner, Fiona. Do you know that, you are special to me? I like you too, that's why I'm happy to know that we have the same feelings," nakangiting sabi ni Axel kay Fiona at hinawakan ang pisngi nito, saka marahang hinaplos. "Pero hindi pa rin magbabago na sinaktan mo ako, sa mga salita mo kanina. Nakakainis ka," sabi ni Fiona sa kanya at sinuntok ang dibdib ni Axel. Hinayaan lang naman siya ni Axel, hanggang sa bigla siyang halikan muli ni Axel. Ngayon, ay tila naging marahas bigla si Axel at napasandal si Fiona sa pader. Nabitawan ni Fiona ang pagkakahawak niya sa tuwalya, dahil sa biglaang galawan ni Axel. Napakapit na lang siya dito at pilit na nilalabanan ang halik nito. Mayamaya ay naramdaman niya ang kamay nito, mula sa pisngi niya, hanggang sa leeg niya at napunta sa walang takip niyang dibdib. Marahang minasahe ni Axel ang kabilang dibdib ni Fiona at kahit kinakabahan ito ay hinayaan niya si Axel sa nais nitong gawin sa kanya. Lumabas siya sa halik nito, at mayamaya ay iginalaw niya ang kanyang isang kamay, patungo sa dibdid nito, pababa. Hanggang sa hawakan niya ang nakaumbok na bahaging iyon ni Axel. Napahinto naman si Axel sa paghalik kay Fiona at maging sa pagmasahe ng dibdib nito. Napatingin si Axel sa mga mata ni Fiona, na tila walang pagsisisi habang nakahawak pa rin doon sa kanyang nakaumbok na nasa kanyang pagitan ng heta. "We don't need go hurry, let's take it slowly," nakangiting sabi ni Axel kay Fiona at hinalikan ang noo nito. Lumayo si Axel sa kanya at pinulot ang tuwalya na nalaglag sa sahig. Pinulupot niya iyon sa hubad nitong katawan, saka muling hinalikan ito sa pisngi. "I'll wait for you outside. Let's have a date together," nakangiting sabi ni Axel sa kanya. Tila nawala ang lahat ng pag aalala ni Fiona sa kanya at agad na napangiti. Tumango si Fiona kay Axel at umalis na ito sa kanyang silid. Hindi siya makapaniwala, na sa isang iglap ay magbabago ang relasyon nilang dalawa. Kaya nagbihis siya upang puntahan si Axel sa labas na naghihintay. Kinagabihan pumunta si Axel sa hotel kung saan tumutuloy ang lalaking nakita niya kanina, na may kapareho nang tattoo ng kanyang nakakatandang kapatid. Naging maayos naman ang date nila ni Fiona at at bumawi talaga siya sa mga nagawa niya dito. Nagpasiya siyang pagbigyan kung ano mang nararamdaman niya kay Fiona. Kaya bumawi siya dito at pinaramdam na mahalaga ito sa kanya. Malalim na ang gabi at ginamit niya ang kanyang kapangyarihan. Lumutang siya sa ere at nagtago sa gilid ng isang pader sa hotel. Pumikit siya at pinakiramdaman ang aura nito na kinilala niya kanina. Hinanap niya kung saan naroon ang aura nito, hanggang sa mahanap niya ito. "Nasa second floor," sambit niya sa sarili at mabilis lumipad patungo sa second floor ng hotel. May bukas na pasilyo doon, kaya naman bumaba siya at naglakad. Hinanap niya kung anong kwarto ito at hindi naman nagtagal ay nahanap niya rin. Napansin niyang nakabukas ang pinto, kaya bahagya siyang sumilip kung anong ginagawa nito. Ngunit hindi niya ito makita, kaya naman dahan-dahan siyang pumasok at mabilis na itinago ang kanyang presensya. Hinanap niya ito sa kwarto, ngunit hindi niya ito nakita. "Ang bilis mo ring kumilos ah?" Natigilan siya nang may nagsalita sa likod niya, kaya naman napatingin siya kaagad dito at nakita niya itong nakasandal sa gilid ng pader. Napakunot noo siyang nakatingin dito at napaatras. 'Paano niya nalamang nandito na ako? Naramdaman niya ba ang aking presensya pagdating ko dito? Kaya sinadya niyang huwag isara nang mabuti ang pinto, para makapasok ako?' sambit niya sa sarili habang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya. Nakita niyang napangisi ito at tila nabasa ang kanyang iniisip. Umalis ito sa pagkakasandal sa pader at naglakad palapit sa kanya. Kaya naman muli siyang napaatras at inihanda ang sarili kung sakaling aatakihin siya nito. Ngunit sa halip na atakihin siya ay nilampasan lang siya nito at dumeritso sa isang mesa at umupo doon. Nakita niyang may alak doon, na agad nitong ininum. "Nagtataka ka ba kung bakit ko nalaman na parating ka? Una, napansin ko ang pagbabago ng hangin sa paligid at nasisiguro akong may dahilan kung bakit iyon nangyari. Dalawang bagay agad ang naisip ko no'n, iyon ay may isang taong nagpabago nang dereksyon ng hangin o di kaya ay isa ito sa kapangyarihan na ginamit para makalipad. Pangalawa ay iyong pinalabas mo ang malakas na aura at alam ko kung anong gamit no'n. Magagamit mo ang kakaibang aura na iyon, upang matukoy ang taong alam mo na ang aura nito at kung nasaan ito. Iyon pa lang ay alam ko nang may mali at may taong gustong makipaglaro sa akin. Tama ba?" paliwanag nito at seryosong tumingin kay Axel. Napabuntong-hininga naman si Axel sa sinabi nito at napatitig dito. Nakipagtitigan naman ito sa kanya at ayaw rin magpatalo. "Tama ka," sagot niya sa mga sinabi nito. Kaya napatango ito sa kanya at tiningnan siyang mabuti, lalo na sa postora niya. "Mukhang bihasa ka na sa paggamit no'n. Isa ka ba sa mga salamangkero sa bayan na ito?" tanong nito sa kanya. "Oo," agad niyang sagot dito. Napatango naman ito, habang hindi pa rin inaalis sa kanya ang mga mata nito. "Kung ganoon, anong kailangan mo at bakit ka nandito?" seryoso nitong tanong sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita at napatitig sa braso nito. Nakikita niya ngayon nang malinaw ang tattoo nito. Napansin naman ito ng lalaki, kaya nagtataka itong napatingin muli sa kanya. "Anong mayroon at napatitig ka sa tattoo na ito?" "Anong simbolo sa tattoo na iyan?" sa halip na tanong niya dito at tila hindi narinig ang sinabi nito sa kanya. Bahagya namang napataas ang kilay ng lalaki sa tanong niyang iyon at bahagyang natawa. "Bakit ko naman sasabihin saiyo?" nakangisi nitong sabi sa kanya. Bigla na lang dumaloy sa katawan niya ang kakaibang enerhiya at naramdaman iyon ng lalaki. Naalarma ito sa gagawin niya at naging handa sa sarili nito. "Gusto kong malaman kung ano ang sinisimbolo ng tattoo na iyan. Sabihin mo sa akin," mariing sabi ni Axel at tiningnan ito ng seryoso. Napakunot noo naman ang lalaki at tulad ni Axel ay nagpalabas din ito nang malakas na aura. Hindi ito nagpatinag sa kung ano ang kaya niyang gawin. Napapikit si Axel. Wala sa isip niya ang makipaglaban dito, dahil ang gusto lang niyang malaman ay kung ano ang koneksyon ng ate niya sa taong ito at kung bakit pareho sila ng tattoo sa balat. Kaya naman pinakalma niya ang kanyang sarili at kusang nawala ang pinalabas niyang aura. Hindi naman maintindihan ng lalaki ang nangyayari kay Axel, dahil akala niya ay mapapalaban siya dito. Subalit, mukha iba ang nais nito sa kanya. Mayamaya ay may kinuha si Axel sa suot niyang damit at nilapag sa mesa. Napatingin doon ang lalaki at nakita niya ang isang larawan ng babae. Nagtataka siyang nakatingin dito, dahil hindi naman niya ito kilala. Ngunit, nararamdaman niyang tila pamilyar sa kanya ang larawan ng babae "Bakit? Sino siya?" nagtatakang tanong nito kay Axel. "She's my sister. We separated 3 years ago. Sa huling sulat na ipinadala niya sa akin ay kasama ang larawan na iyan. Pinapakita ko iyang saiyo, hindi dahil sa mukha ng ate ko. Kundi sa tattoo na nasa may bandang dibdib niya, na kapareho ng saiyo. Kaya naman gusto kong malaman, kung bakit pareho kayo ng tattoo at ano ang sinisimbolo niyan," seryosong sabi ni Axel dito. Hindi naman kaagad nakapagsalita ang lalaki at tiningnan ang tinutukoy ni Axel na tattoo. Nakita ito nang lalaki at napatunayan ngang pareho sila ng tattoo. Kaya napakunot noo siya at hindi alam kung ano ang sasabihin. "Pareho nga kami ng tattoo, pero hindi ko siya kilala. Ang tattoo na mayroon sa akin, na kapareho sa kanya ay simbolo ng isang grupo o wizard guild kung tawagin sa amin. Actually, bago pa lang ako sa grupo kaya hindi ko siya kilala," paliwanag nito kay Axel. Naramdaman naman ni Axel na nagsasabi ito nang totoo, dahil na rin sa likas ng pakiramdam niya. Napabuntong-hininga siya at muling kinuha ang larawan, saka itinago. "Tagasaan ang grupo ninyo?" tanong ni Axel dito. Matagal bago nagsalita ang lalaki at napatitig pa saglit kay Axel, bago nagsalita. "Sa Edolas. Kung gusto mong malaman kung anong koneksyon ng ate mo at sa tattoo na mayroon siya ay malalaman mo kapag pumunta ka sa Edolas. Baka alam ng master namin kung sino siya," wika nito. "Sige, salamat sa impomasyon mo," sabi niya dito at tumalikod. "Sandali, ano pa lang pangalan mo?" narinig ni Axel na tanong nito, kaya napahinto siya at bumaling dito. "Ako pala si Axelion, ikaw sino ka?" pakilala niya dito. "I'm Vain, nice to meet you, Axel. I hope we can meet again. Sa ngayon kasi ay nasa mission ako, kaya hindi pa ako makakabalik sa Edolas. Ngunit inaasahan kong pupunta ka doon para makita ang ate mo," nakangiting sabi nito at inubos ang alak na iniinum nito. "Oo, pupunta ako sa Edolas. Mukhang maganda nga ang naisip mo. Sige, mauna na ako. Salamat sa impormasyon mo," sabi ni Axel at matapos magpaalam ay mabilis siyang lumipad patungo sa bintana, saka tuluyang nawala. Ang ngiti na binigay ni Vain kay Axel kanina ay unti-unting nawawala. "Tsk! Dapat inalam ko na rin ang pangalan ng ate niya, baka maalala ko pa kung sino ito," sambit niya sa sarili at bahagyang napailing sa kanyang naisip. Matapos no'n ay nagpatuloy siya sa pag inum at hindi mapagkakaila na nagustuhan niya si Axel, lalo na sa kapangyarihang ginamit nito kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD