Chapter 1.1

1714 Words
(Present time) THIRD PERSON'S POV Kasalukuyang nagdadaos ng fiesta ang bayan ng Titania. Kahit gabi na ay marami pa ring tao at mga nag iinuman. Isant grupo ng kalalakihan ang nagkakasiyahan sa loob ng isang bahay-aliwan, habang may mga kasama rin mga babae. Itinaas ng mga lalaki ang hawak nila alak at sabay na uminom, saka tumawa. Maraming alak ang nakalatag sa kanilang mesa, habang nagkakasiyahan sila. Isa sa grupo nito ay Si Axelion Duran. Ang kilala bilang opisyal na magiting na sundalo sa bayan, na siyang tumutugis ng mga kriminal. "Nakakabilib ka talaga, Axel! Nahuli mo na nga ang magnanakaw sa Mansion ng mga Ageria, nabihag mo pa ang nag iisang anak na babae ng mga ito. Grabe, iba ka talaga! Haha!" sabi ng isa sa mga kasama niya. "Oonga! Tapos ngayon, mukhang mag e-enjoy ka pa, haha!" komento rin ng isa pa habang nakatingin sa dalawang babaeng katabi nito. Bahagyang natawa si Axel at hinila palapit sa kanya ang dalawang babae. "Syempre, kailangan ko rin magsaya, di ba?" nakangising sabi ni Axel saka hinalikan sa leeg ang babaeng nasa kaliwa niya, na tila kinikilig pa sa ginawa niya. "Oo naman, alam mo namang binibigay naming ang gusto mo at dahil mahusay ka, ay paligayahin ka namin," sagot naman ng isa pang babae na nasa kanan niya at bahagyang hinaplos ng malambing ang kanyang dibdib. Kaya hinila rin ito ni Axel at hinalikan sa pisngi nito. "Kaya gustong-gusto ko kayong dalawa eh," sabi ni Axel sa mga ito. "Naku, baka mamaya iiwan mo na agad kami. Marami pa tayong inumin oh! Haha!" "Haha! Hayaan mo na siya kung gusto niyang magsaya, tayo ang uubos nito," sabi ng isa pang kasamahan nila na natutuwa sa nakikita nito. Hinila pa nito ang katabing babae at agad na niyapos ito ng halik sa leeg. "Hmmm, ang bango mo ngayon," puna nito sa babaeng katabi. "Isa ka pa, baka mamaya kayong dalawa na ang aalis ni Axel, haha!" Napuno nang tawanan ang mesa nila at patuloy sila sa pag inum. Mayamaya ay napahinto sila, nang may lumapit sa kanila at hinampas ang mesa na dahilan upang muntik ng mahulog ang iniinum nila. Sabay silang napatingin dito at parehong natigilan, lalo na si Axel. "What's this? Bakit may kasama kang babaeng tulad nila? Axel, bakit mo ba ito ginagawa?" sabi ng babaeng biglang dumating. Siya si Fiona Ageria. Ang babaeng pinag uusapan nila kanina, na nakabihag kay Axel. Naibaba ni Axel ang kanyang iniinum at napangiting nakatingin kay Fiona. "Dear, we are just having fun here. Huwag kang mag alala, matatapos na rin kami. Hintayin mo na lang ako doon at darating ako," nakangiting sabi ni Axel dito. Sinamaan lang ni Fiona, nang tingin si Axel at agad na tumalikod upang umalis. Seryoso namang sinundan nang tingin ni Axel ang dalaga saka napabuntong-hininga. "Tsk! Akala ko ba, sa amin ka sasama ngayon? Bakit parang sa kanya ka pa pupunta?" nagtatampong sabi ng babaeng katabi niya. "Iyah, sinong nagsabing hindi ako sasama sainyo? Sinabi ko lang iyon para umalis siya," paliwanag niya pa dito at bahagyang hinaplos ang pisngi. "Tss, nakakainis talaga ang isang iyon. Kung hindi lang siya anak ng pinuno ng bayan na ito, ay talagang mapapahiya siya sa amin dahil inaagaw niya ang hindi naman para sa kanya," mataray naman na sabi ng isa pang babaeng katabi niya. "Shella, you don't have to say that. She's just a spoiled brat and want to get what really she wants. Don't worry, she will never sturb us again," sabi naman ni Axel dito at bahagyang pinisil ang pisngi na agad namang napangiti. Napapailing na lang ang mga ito, dahil sa kanilang nakikita at nagpatuloy ang kasiyahan nila. Nang matapos sila ay nagpasiya si Axel na umuwi na. Lasing na rin ang dalawang babaeng katabi niya, kaya hindi na niya isinama pa ang mga ito. Masyado siyang nag enjoy kasama ang mga kaibigan niya sa trabaho at nakalimutan na si Fiona na sinabihan niyang hintayin siya nito. Kaya naman, nang makarating siya sa kanyang tinutuluyan ay halos pabagsak siyang napaupo sa kanyang sofa. Napapikit siya. Naparami ang inum niya, kaya nahihilo na rin siya. "Masyado ka nga atang nag enjoy sa mga kasama mo," mayamaya ay narinig niyang may nagsalita, kaya napamulat siya at tumingin dito. Nanliit pa ang kanyang mata at inaaninag kung sino ito. Nang makilala niya ay bahagya siyang natawa. "Fiona! Oh Fiona, oo masyado akong nag enjoy. Kilala mo naman ako di ba? Haha!" sabi niya dito. Napabuntong-hininga naman si Fiona, habang nakatingin ngayon kay Axel. "Halika," sabi ni Axel at hinawakan ang kamay ni Fiona saka hinila palapit dito. Kaya halos napakandong si Fiona kay Axel ngayon. "Alam mo, hindi mo naman kailangang maghintay sa akin. Dapat nga ako ang maghihintay saiyo. Hayaan mo lang akong magsaya, dahil ikaw naman ang uuwian ko," nakangiting sabi ni Axel at biglang hinalikan ang pisngi ni Fiona. Napairap naman si Fiona sa sinabing ito ni Axel. Paulit-ulit na niya itong naririnig noon pa, sa tuwing nalalasing ito at lagi siyang nasa tabi nito at inaasikaso ito. Palihim lang na pumupunta si Fiona sa bahay ni Axel, dahil ayaw ng magulang niya na siya ang pupunta sa bahay ng lalaki. Baka kasi kung anong isipin ng mga makakakita. Kaya naman, ay palihim lang siyang pumupunta kay Axel. Noong una ay ayaw ni Axel ang kanyang ginagawa. Ngunit kalaunan ay hinayaan na lamang siya nito, na gawin kung ano ang kanyang gustong gawin. "Tsk! Halika nga, magpalit ka ng damit amoy pawis ka na at alak," sabi ni Fiona at tumayo. Dahan-dahan niyang hinubad ang damit ni Axel at hinayaan naman siya nito. Pumunta si Fiona sa kusina at kumuha ng bowl saka nilagyan ng maligamgam na tubig, saka alcohol at kumuha ng towel. Binalikan niya si Axel at nakita niyang nakahiga na ito sa sofa. Napabuntong-hininga siya at kinuha ang towel at binasa sa bowl, saka niya pinunasan ng marahan si Axel. Mula sa ulo, sa mukha, sa leeg at maging sa dibdib nito. Napalunok pa siya, habang nakatingin sa katawan nito. Lagi na niya itong nakikita, at sa nakikita niyang hubad na katawan ni Axel ay nakakaramdan siya ng kakaiba sa sarili. Kaya binilisan niya ang pagpunas dito. "Axel, halika ihatid na kita sa kwarto mo," sabi ni Fiona dito. Pinilit niyang itayo ito, mabuti na lang at hindi siya nahirapan dahil tumayo ng kusa at inaalalayan niya. Naglakad sila patungo sa hagdan, kung saan naroon ang silid nito. Nang makarating sila ay agad na humiga si Axel. "Hmmm," mahinang ungol nito, habang nakahiga sa kama. Tiningnan lang ito ni Fiona, saka siya tumalikod at naglakad patungo sa kabinet nito at kumuha ng t-shirt at short upang pamalit nito. Nang makakuha na siya ay binalikan niya si Axel at pilit na pinasuot ang t-shirt. "Kaya mo bang hubarin ang pants mo? Magpalit ka ng shorts, para comportable ka sa pagtulog mo," sabi niya dito. "Fiona... take it off with me," sabi ni Axel habang nakapikit. Tinuro pa nito ang suot na pants. Napairap na lamang si Fiona at sinunod ang sinabi nito. Tinanggal niya ang belt nito at lock, saka ibinaba ang zipper. Subalit, napahinto siya at biglang naisip kung tama ba ang kanyang ginagawa ngayon. "Go on, I feel comfortable with my boxer," muling sabi ni Axel habang nakapikit pa rin. Napatingin si Fiona kay Axel, at naisip kong pinaglalaruan ba siya nito. Nakita niyang nakapikit ito at tila hinihintay kung anong ang gagawin niya. Napabuga siya ng malalim na hininga, saka sinunod ang gusto nito. Dahan-dahan niyang hinubad ang suot na pants nito. Nakita naman niyang may suot itong boxer, kaya tuluyan na niyang hinubad ang pants at bahagya pa niyang nasagi ang nasa pagitan ng heta nito. Nanlamig siya sa kanyang nararamdaman dahil hindi siya maaaring magkamali. Napatingin siya dito at talagang bakas sa suot nitong boxer ang nakaumbok na bagay na iyon.. "Gusto mo bang makita nang malinaw ang bagay na tinitingnan mo ngayon?" Tila nanlamig si Fiona dahil sa sinabing iyon ni Axel. Napatingin siya dito at nakita niyang namumungay ang mga matang nakatingin ito sa kanya. Napalunok siya at agad na napaiwas nang tingin dito. "Hindi na kailangan, alam ko namang marami nang nakatikim diyan. Kaya ayokong makipag agawan. Sige na, matulog ka na at bukas na lang tayo mag usap," sabi niya dito at inirapan. Tinalikuran na niya si Axel na nakatingin sa kanya, habang nakahiga ngayon sa kama. Akmang bubuksan na ni Fiona ang pinto, nang mapansin niyang tila may pumipigil dito. Mayamaya ay may naramdaman siyang mainit na hininga sa kanyang likod, kaya dahan-dahan siyang napatingin dito at nakita niyang nasa likod niya si Axel, habang hinarangan nito ang pinto. "Aalis ka na agad? Matapos mong gisingin ang natutulog kong alaga?" halos pabulong na sabi ni Axel kay Fiona. Napatingin si Fiona sa mukha ni Axel at tila ba nanghina siya dahil a kakaibang titig nito sa kanya. Inilapit ni Axel ang kanyang katawan dito, kaya halos napadikit na si Fion aa may pinto. "W-What are you doing?" kinakabahan na tanong ni Fiona sa kanya. Napangisi si Axel at hinawakan ang dalawang kamay niya at itinaas ito patungo sa kanyang uluhan. Hindi alam ni Fiona ang kanyang gagawin dahil sa ginagawang ito ni Axel. "I'm just, want you to pay of what you've done to my body," sabi ni Axel at agad na hinalikan ang labi ni Fiona na bahagyang nagulat sa nangyari. Ngunit dahil lang lango siya sa alak, ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na halikan si Fiona. Mayamaya ay napansin niyang gumaganti ng halik si Fiona, kaya naging marahas bigla ang pakiramdam niya at biglang nanggigil sa isang dibdib ni Fiona, kahit may suot pa siyang damit. Hindi na halos makasabay si Fiona sa kanilang halikan at pilit na tinutulak si Axel. Nang makawala siya dito ay napaatras siya. "Your doing to much, stop it, Axel," saway ni Fiona, habang nakatingin ngayon kay Axel. Napangisi lang si Axel sa sinabi ni Fiona. Hindi nagsalita si Fiona at mabilis na naglakad palabas ng silid na iyon. Pakiramdam niya ay nilalamig siya sa kaba, dahil sa ginawang iyon ni Axel. Iyon ang unang beses na halikan siya nito at hawakan sa maselang bahagi ng katawan. Gusto niyang maiyak sa dahil sa ginawang iyon ni Axel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD