Nagpatuloy ang katahimikan sa paligid, ngunit hindi magawang maging mapayapa ni Ris ang kanyang isipan. Matapos ang kanilang maselang sandali, napagpasyahan nilang mag-usap ng mas seryoso. Habang nag-aayos si Diyosa ng kanilang mga gamit sa kubo, si Ris naman ay tila hindi mapakali. “Mahal,” tawag ni Ris, bakas ang pag-aalala sa kanyang tinig. Lumingon si Diyosa, nakangiti ngunit halatang alam na may bumabagabag kay Ris. “Ano iyon, mahal? Mukhang seryoso ka.” Huminga ng malalim si Ris bago nagsalita. “Hindi ba’t delikado ang ginagawa natin? Kung malaman ng magulang mo na dito tayo nagtatago... na nagkikita pa rin tayo kahit ayaw nila, baka hindi na tayo makapagkita ulit.” Tumigil sa ginagawa si Diyosa at lumapit kay Ris. Hinawakan niya ang kamay ng binata at tinitigan ito ng malalim. “

