Accident#01: Accident Marriage

1350 Words
"Sana ol kinakasal" walang kabuhay-buhay na sabi ni Amy. She's a wedding organizer at narito sya ngayon sa isang hotel na kapartner din ng kumpanyang pinagtatrabahuan nya. Ang hotel na ito ang gaganapan ng kasal na in-asign sa team nila at heto sya ngayon, nasa position ng reception dahil ang receptionist na naka asign ay umalis at nakiusap sa kanyang sya muna ang magbantay. "What!? No, he can't do this to me!" Mula sa counter ay nabaling ang tingin ni Amy sa babaeng kung makasigaw akala mo ay katapusan na ng mundo. "I'm sorry Miss Britthany but Mr. Voulger had an emergency meeting" paliwanag ng lalaking naka formal na damit. Kung titignan ay gwapo ito, pwedeng-pwede na at kung ito ang mapapakasalan nya ay papayag agad sya. "He can't attend the wedding ceremony and if you still want to marry him, this is the marriage contract" sabi pa ng gwapong lalaki at inilapag nito ang hawak na papel. Maging sya ay tinignan ang nakasulat sa papel, marriage contract nga na kahit isa ay wala pang pirma. Dahil sa pagiging chismosa nya ay hindi nya napansing nakatingin na pala sa kanya ang gwapong lalaki na nasa harap nya. "AAAHHH! NAKAKAINIS!" sabi ng magandang babae bago nagmartsya paalis. Naiwan ang lalaking gwapo pati ang marriage contract at nang magkaroon ng pagkakataon ay binasa nya ang mga pangalan pagkatapos ay nakangiting nagtipa gamit ang computer. Ilang minuto lang ang lumipas ay isang lalaking humahangos ang lumapit sa kanya. "Bagal mo!" Bungad nya rito kaya sinamaan sya nito ng tingin. "Kung hindi lang kita kaibigan hindi ko susundin mga kabaliwan mo!" "Yeah yeah, by the way thankie Gian" nakangiting sabi nya. "Now leave, shu shu!" Pagtayboy nya rito na alam nyang hindi nito kaiinisan. "Oha!" Nakangiting bulalas nya nang makita ang pinaggagagawa nya. Isang marriage contract, di'ba sa wakas feel na feel na nya ang ikasal? Pirma nalang ang kulang. Nawala ang ngiti nya nang mapansing nagtatakang nakatingin sa kanya ang gwapong lalaki na kausap ng maganda pero eskandalosang babae kanina. Para tigilan sya nito ay sinamaan nya ito ng tingin. Inirapan sya nito bilang sukli na nagpamaang sa kanya. Ka-gwapong lalaki nang-iirap?. Magsasalita pa sana sya pero iniwan na sya nito at sunundan yung direction ng magandang babae kanina. Iniwan pa ng mga ito yung marriage contract, lakas makainsulto ng mga ito. Oo na, sya na ang walang jowa!. Inis na kumuha sya ng ballpen at pinirmahan ang marriage contract na pinagawa nya sa kaibigan nya saka malawak ang ngiting pinagmasdan yun. Nawala lang ang tingin nya sa marriage contract na gawa nya nang bumalik ang babaeng maganda, may dala na itong ballpen pagkatapos ay pinirmahan yung marraige contract. Aba, marupok si ateng. Maloko syang natawa kaya napatingin sa kanya yung babae. "Ano 'to computer!?" Sabi nalang nya para makaiwas sa babae. Anak ng tinapa!. Di nya lubos isipin na gagawin nya yun. "b***h!" Nanlalaki ang mga matang ibinalik nya ang tingin sa magandang babae na ngayon ay naglalakad na palayo. "Did she call me b***h!?" Di makapaniwalamg nasabi nya. Balak nya sanang sundan amg eskandalosang magandang evil daughter ni Satanas pero may matandang lalaki ang dumating. Nanalamin ito pagkatapos ay binasa ang marriage contract na iniwan nung babae. Ilang sandali lang ay may pinirmahan ito. Dahil nga sa chismosa sya, nakibasa rin sya. Ito pala yung judge na magkakasal sa dalawa. "Uncle" pang-aagaw nya sa attention nito na nagtagumpay naman. "Yes?" Kunot ang noong tanong nito. "Pwede po papirma?" Nakangiting tanong nya. Mukhang hindi ito kumbinsido kaya nag puppy eyes sya. "Sige na po, gusto ko po talaga maranasan ikasal eh. Marriage contract po ito, please po pag bigyan nyo na ho ako" pakiusap nya. Umamo ang mukha nito at nang makitang marriage contract nga ang hawak nya ay nag-aalangan itong pumirma. "Thank you po uncle, hinding-hindi kita malilimutan. I love you" magiliw na sabi nya. Pigil nya ang matawa nang makitang namula ang matanda, hindi pa ba ito nasasabihan ng I love you?. Nakaramdam sya ng awa dahil baka sa susunod ay magaya sya sa matanda. No!, ayaw nyang tumandang dalaga. Pumikit sya't huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili nya. Ikakasal rin sya ng totoo not now but soon... At kelan na soon?. Nang iinis talaga ang isang parte ng utak nya. Inilapag nya ang hawak na marriage contract saka binatukan ang sarili. "Unc-" hindi nya naituloy ang sasabihin dahil wala na ang matanda. Iiling-iling nalang nyang kinuha ang marriage contract na gawa-gawa nya at agad iyung tinago sa bag nya. . . . "Mr. Voulger, here's the marraige contract" hindi pinansin ni Weyn ang dumating. Nagpatuloy lang sya sa pagtipa ng keyboard hanggang sa maramdaman nyang inilapag nito ang papel na dala. Walang gana nyang inabot ang ballpen at pinirmahan ang marriage contract na binigay ng judge na pinatrabaho nya sa kasal nya. Kung hindi lang talaga nya kailangan ay hindi na sya mag-aasawa. Bullshit marriage!. Ang bagay na pinakahindi sya intiresado ay dun pa nakasalalay ang lahat ng mga pinaghirapan nya. Kailangan nyang makapag-asawa bago sumapit ang 33 years birthday nya kundi ay walang mapupuntang ano man sa kanya. 10 years nyang pinaghirapang mapalago ang negosyo ng kanyang ama tapos ngayon ay malalaman nyang ganun-ganun lang kadaling mawawala sa kanya ang lahat?. Gusto nyang magalit sa ama pero hindi nya magawa dahil bukod sa ama nya ito ay ito nalang ang natitirang pamilya nya. "Bring her to my house tomorrow " utos nya rito bago ibalik ang attention sa trabaho. Ilang minuto pa lang ang lumilipas ay bumukas ang pinto ng office nya at iniluwa nun ang secretary nyang si Crixia. "Sir, the board meeting will start after 5 munites" imporma nitong may mapang-akit na tono. Mula sa mukha nito ay nabaling ang tingin nya sa dibdib nitong halos ma- expose na ang kabuohan. Pagkatapos siyasatin ang kabuohan ng sekretarya ay marahas syang napabuga ng hangin. Halos araw-araw syang inaakit ng sekretarya nya na wala namang epekto sa kanya. Hindi maitatangging maganda ito at may magandang hubog ng katawan, dibdib palang nito ay magagawa nang makatawag ng sandamakmak na kalalakihan pero hindi sya. Imposibleng maakit sya nito o nang kahit sino mang babae. Hindi sya nakakaramdam ng attraction sa babae at lalong - lalo na sa mga lalaki. He is one of the one percent of population who's identified as an asexual. He can't feel s****l attraction to anyone but can have a s*x if he wants to. Ang isip nya ang may kontrolado sa s****l attraction nya, hanggad hindi nya gusto hinding-hindi talaga sya ma-attract kahit kanino, kahit isa pang literal na diosa ang nasa harap nya, he will never give a damn f**k. "I got it, now leave" walang emosyong pagtataboy nya rito. Disappointment is written on her face, bakit ba nadidisapoint parin ito eh halos araw - araw na nga nya itong itinataboy. Woman is a waste of time, yun ang paniniwala nya. "Sir, may problema" kumunot ang noo nya sa sinabi ng body guard nya. Sa ilang taon nitong pagtatrabaho ay ngayon lang ito nagsabing nagkaproblema. "The marriage contract you signed..." naghintay sya sa kasunod ng sasabihin nito. "Mali ang napirmahan nyo, ibang pangalan ang nandun. Si Miss Britthany dapat ang pakakasalan nyo pero ibang marriage contract ang naibigay sa inyo" paliwanag nito. "Are you kidding me!?, my name is written there" madiing sabi nya. Napalunok ang body guard nya bago muling nagsalita. "Pangalan nyo nga po yung nandun at totoong marriage contract yun ang kaso, ibang babae ang napakasalan nyo" paliwanag ulit nito. Nagkibit-balikat lang sya na para bang walang pakialam. "Who ever she is just bring her to me as long as our marriage is valid" sabi nya saka nagpatuloy sa ginagawa. Walang ibang choice ang body guard nya kundi ang sumunod sa utos nya. "Who is she?" Naitanong nya sa kawalan. Kung sino mang babae ang nakasulat ang pangalan at nakapirma sa marriage contract alam kaya nito kung sino ang mapapangasawa?. Natatawang napailing sya. Paniguradong magsisisi ang babaeng iyun. That woman is married with him, an asexual man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD