LINDSY Wala na ngang nagawa si big boss ng dalhin ako ni Reece sa silid nito. Nakakaawa nga dahil nakatingin lang siya habang palabas kami ng silid niya. Simula ng sumampa kami sa kama ay nagsimula na kaming dalawa magkuwentuhan. Marami kaming pinag-kwentuhan ni Reece, kung paano namuhay ang magkapatid na magkasama. Kung paano naging ina at ama si big boss sa kanya. Kung anong klaseng kapatid si big boss sa kanya. Ayon kay Reece ay istrikto si big boss sa lahat ng bagay. Sa bahay o maging sa opisina, dapat ay ginagawa ng maayos ang trabaho. Kapag may pumalpak, wala ng second chance kung 'di sisante agad. Pero mas higit daw na istrikto si big boss pagdating sa kanya. Bantay sarado siya sa bodyguard na kasama niya ngayon. Lahat ng galaw niya ay nakabantay ang bodyguard niya. Lahat ng ga

