LINDSY "Did you find her?" Nagising ako sa tanong na iyon ni big boss. Nang nilibot ko ang paningin sa loob ng silid ay nakita ko siya sa balkonahe nakaupo. Mukhang pinalayas na nga nito ang dalawang bisita dahil narito na siya sa silid. Nang sulyapan ko ang wall clock ay malapit na palang magtakipsilim. "I will help you to find her. Busy lang ako kaya hindi na rin kita nadadalaw." Sino kaya ang tinutukoy nito? "Yeah. Pupunta ako sa meeting. Sabay-sabay na kami nina Ryker at Thomas. I hope you find her, tito." Tumahimik ito. "Okay, bye." Tila frustrated na napasabunot siya sa buhok at napahilot sa batok. Bakas sa mukha niya ang pagkabahala. Parang ang lalim ng iniisip niya pagkatapos niyang makipag-usap. Mayamaya lang ay napasulyap siya sa akin. Huli na para mag-iwas ng ting

