LINDSY Seryoso lang akong nakatingin habang nililinis ng nurse ang sugat ni Ravi. Si Papa ang tumawag para gamutin ito pati ang lalaking pinaputukan ko ng baril sa binti. Humingi naman ako ng tawad dito dahil sa ginawa ko na agad nitong tinanggap. Ayaw nga ni Ravi magpalinis pero tinaasan ko lang siya ng kilay kaya napilitan siyang magpalinis ng sugat. Si Papa naman ay kanina pa masama ang tingin sa kanya na halos mag-apoy na ang mata at kulang na lang ay masunog si Ravi dahil sa tingin na pinupukol nito. Kasalukuyan na kaming nasa bahay ni Ravi. Kanina habang nasa daan kami at tinanong niya ako kung gusto ko siyang pakasalan, hindi agad ako nakasagot. Hindi naman ako pwede sumagot ng hindi ko pinag-iisipan ng mabuti. Ilang araw pa lang na nasa poder niya ako at masyadong mabilis ang

