LINDSY "Ah…" tumango-tango ako saka tumuwid ng upo. "Nagseselos ka lang pala kaya ka ganyan," bubulong-bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya ang sinabi ko. Huminga ako ng malalim at binaling ang tingin sa bintana sabay mariing pumikit at nilapat ang labi sa paraang hindi niya makikita. Gusto kong tumili dahil sa kilig pero nagtiis na lang ako kahit parang gusto ng tumalon ng puso ko sa sobrang pagkasurpresa sa sinabi niya. "Pwede mo na ba akong ihatid? Baka nag-aalala na si papa." Pagpapagaan ko sa sitwasyon. I felt like there was an awkward moment between the two of us because of what he said kaya dapat umuwi na kami para naman mabawasan at mailabas ko na itong kilig ko sa silid ko. Ilang sandali lang ay umusad na ang sasakyan niya. Pagpasok pa lang ng sasakyan niya sa ga

