Kabanata XLV

1664 Words
“Thank you, kuya,” saad ni Aulora nang makababa sila sa van. “Walang anuman po, Mam. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko ng maayos. Mag-iingat po kayo.” Tinunguhan ni Aulora ang driver at pinanood ang sasakyan na makalayo sa kanila. “Nandito na tayo. Anong gagawin natin?” tanong ni Lene habang nakatingala sa sobrang laki ng kompanya. “Malamang hahanapin natin si Dad. Siya naman ang dahilan kung bakit tayo pumunta rito.” “Sure ka ba nandito siya?” “Oo, dahil ‘yun ang sabi sa akin ni Mom na nandito si Dad.” “Paano kung wala siya rito?” “Imposible, hindi iniiwan ng magulang ko ang kompanya namin dahil madaming may gustong kumuha non. Kung wala man si Dad dito, ay sigurado ako na may kameeting siya ngayon.” Meron kasing nararamdaman na hindi maganda sa tatay ni Aulora. Para bang merong other woman ang lalaki, pero hindi naman niya sinasabi na cheater agad. Pinapakiramdaman niya lang. Saka baka magalit pa sa kaniya si Aulora kapag sinabi niya ang nararamdaman niya. Kaya mas mabuti na lang kung mananahimik na lang siya. Tutal wala naman siyang karapatan para makisali sa pamilya nina Aulora. “Para ka namang may iniisip na hindi maganda, lene. Tignan mo nga ngayon ang mukha mo. Para kang may masamang balak. Ibahin mo ‘yan dahil kapag nakita ‘yan ni Dad ‘yan, baka kung ano ang isipin non.” “May problema ba sa mukha ko? Bakit kailangan ko pang ibahin?” ”Iyang noo mo na nakakunot. Para mo tuloy hinuhusgahan ang mga tao rito. Kaya siguro grabe ang mga tingin ng mga taong nadadaanan natin dito.” Nakasimangot, masama, at nakakunot kasi ang tingin ng mga taong nadadaanan nila. Kaya hindi rin mapakali si Aulora. “Oo, aaminin ko na maganda siya, pero hindi naman siya bagay sa kompanyang ‘to.” “I know right, mukha naman kasi siyang walang pinag-aralan. Look at her outfit pa. Halatang hindi siya makukuha sa trabaho na papasukan niya. Ayus pa sana ang babaeng katabi niya.” “As far as I know, ang kailangan daw na assistant ngayon ni Manager, ay isang maganda, may pinag-aralan, hindi patanga-tanga, at maayos ang pananamit.” “Hindi ‘yan matatanggap dahil nakapantalon lang siya at nakashirt. Hindi siya nakaformal. Hindi talaga siya bagay dito.” Ganito ba ang mga pato sa kompanya ng tatay niya? Kunting-kunti na lang kasi, ay masasabunutan niya na ang mga babaeng nagbubulungan tungkol sa kaniya. E ano naman ngayon kung nakapantalon at t-shirt lang siya? May problema ba sa suot niya? Saka bakit siya pinagkokompare sa kaibigan niya e parehas lang naman silang maganda. “Hayaan mo na lang sila. Mas maganda ka naman kaysa sa kanila. Mga inggit lang ang mga ‘yan dahil maganda ka sila hindi at anak ka ng may ari ng kompanyang ‘to. May karapatan kang alisin sila sa kanilang trabaho.” “Puro kademonyohan talaga ang nasa utak mo ano?” “Hindi nila deserve ng may magandang trabaho dahil sa sama ng mga ugali nila.” “May punto ka naman, pero hindi ko pwedeng gawin ‘yun dahil ako lang sa huli ang magiguilty. Ayaw kong mahirapan ang iba dahil maayos na ang trabaho nila. Malay mo may pinapakain pala silang pamilya kaya hindi ko pweeng basta-basta na lang sila alisan ng trabaho.” “May pinapakain ngang mga pamilya. Masama naman ang ugali. Kung gusto nilang maging maganda ang trabaho nila, ay kailangan muna nilang ayusin ang kanilang pakikitungo. Katulad ngayon, hindi nila alam na ikaw ang anak ng boss nila, pero hinuhusgahan ka agad nila.” “Hayaan mo na nga lang sila. Hindi naman natin sila kailangan sa buhay natin. Mastress lang tayo sa kanila.” Bumuntong hininga na lang sila at pumunta sa receptionist. “Yes po? Ano po ang kailangan nila?” tanong ng babae sa kanilang dalawa. “Alam niyo ba kung nasaan si Xaver Grinskey?” kumunot ang noo ng babae dahil nagtataka ito kung bakit hinahanap ng babae ang President ng kompanya. “Ano po ang kailangan niyo sa kaniya?” Tumaas bigla ang dalawang kilay ni Aulora nang mag-iba ang boses ng babae. Para kasing galit na sa kaniya. Meron ba siyang nasabi na masama? Meron meron ano? “May kailangan lang kasi akong sabihin sa kaniya. Alam mo ba kung nasaan siya?” “Hindi ko pwedeng sabihin kung nasaan siya.” “So, alam mo kung nasaan siya? Bakit naman hindi mo sasabihin sa akin?” “Dahil busy siya ngayon. Saka wala siyang oras para makipagkita sa’yo o kaya kausapin ka. Kaya umalis ka na lang dito dahil masasayang lang ang oras mo.” “Ayusin mo ang pananalita mo dahil hindi mo kilala ang kinakausap mo,’ seryosong saad ni Lene, pero inikutan lang siya ng mga mata ng babae. “Gan’yan ba kayong lahat dito? Nasa una lang ang bait, pero demonyo pala. Nakakaawa ka naman, teh. Simulan mo na ang magdasal dahil baka sa impyerno ka malalaglag,” dagdag pa ni Lene. Sinusubukan naman ni Aulora na patigil ang kaniyang kaibigan, pero hindi niya ito mapatigil. “At sa tingin mo ba sa langit ka pupunta.” “Sa impyerno ako mapupunta. Kaya magkita na lang tayo ron kung sakaling hindi ka magbago.” Hinawakan ni Aulora ang kamay ni Lene at hinila ito palayo sa babaeng nakatirik pa rin ang kilay sa kanilang dalawa. ”Iyan ang dapat niyong gawin. Umalis na kayo rito dahil hindi kayo welcome rito. Hindi rin kayo bagay dito.” Susugudin na sana ni Lene ang babae, pero ginamit ni Aulora ang kaniyang lakas para mahigit pa rin si Lene. “Ano ba, Lene. Itigil mo na ‘yan. Tatawagan ko na lang si Dad para bumaba rito. Wala tayong magagawa kung hindi niya tayo papapasukin,” inis na bulong ni Aulora. Ang pinakaayaw niya sa lahat, ay ‘yung nakikipag away ang kaniyang kaibigan sa mga walang kwentang tao. “Hindi naman pwede na ganito na lang ang mga trato sa’yo ng mga tao rito. Kailangan malaman ‘to ni Tito. Para aware siya sa mga employee niya,” “Kailangan pa ba nating sabihin ‘yun sa kaniya? Ang pinunta lang naman natin dito, ay para tanungin siya. Hindi ‘yung magsumbong sa kaniya.” “Bahala ka na,” sumimangot ang mukha ni Lene, pero naging seryoso rin ang mukha nito. Hindi niya tuloy maalis ang mata niya sa babaeng ‘yun. Pasalamat siya pinigilan siya ng kaibigan niya. Kung wala lang ang kaibigan niya ron, ay sigurado siya na nabugbog niya na ang babaeng ‘yun. “Dad?” [Yes, baby?] “Nasaan ka po?” [Nasa kompanya. Nandyan ka na ba? Daan ka na lang sa kompanya dahil gusto kitang makita.] “Nasa baba na po kami, pero hindi kami pinapapasok o hindi sinasabi ng receptionist kung nasaan ka. Pwede po bang pakisundo ako rito sa baba?” [Why? Nagmemeeting kami ngayon, pero bababa na ako.] “Thank you, Dad.” Nang mamatay ang tawag, ay nginitian ni Aulora si Lene para hindi na ito mainis sa babae kanina. “Huwag ka na mainis diyan. Pababa na si Dad kaya ibahin mo na ang aura mo. Nararamdaman ko pa rin ang galit mo. Come on, Lene. Hayaan na lang natin sila dahil wala naman tayong magagawa kung gano’n talaga ang ugali nila. Balang araw marerealize rin nila na mali ang mga ginagawa nila.” “Iparealize natin sa kanila ngayon.” Napalunok ng laway si Aulora dahil hindi talaga sumusunod sa kaniya ang kaibigan niya. Nakakatakot pa rin ang aura ng babae. Ano na naman kaya ang gagawin ng babaeng ‘to? Baka naman gumawa ‘to ng gulo rito? “Hindi ako makikipag-away.” Nakahinga naman ng maluwag si Aulora at hinintay nila na dumating ang tatay niya. Nang makita ni Aulora ang tatay niya, ay agad siyang napangiti at tumakbo para yakapin ito. “Namiss ko ang prinsesa ko,” malambing na saad ng tatay niya at mahigpit siyang niyakap. Nagsibulungan tuloy ang mga taong nasa paligid nila dahil nagtatakaa ng mga ito kung bakit magkayakap ang boss nila at ang babaeng pinagsasalitaan nila ng masama. “I missed you too, Dad.” Nang maalis nila ang kanilang yakap, ay nakita ng lalaki si Lene kaya pinalapit siya nito. Nang makalapit si Lene, ay hinawakan ni Xaver ang balikat ni Lene. “Thank you dahil sinamahan mo ang anak ko.” Tungo lang ang sagot ni Lene dahil pinipigilan nito ang sarili na sabihin sa lalaki kung ano ang totoong ugali ng mga nagtatrabaho sa kompanya niya. “Dumaan na ba kayo sa Mommy mo?” tanong ng lalaki habang naglalakad sila papunta sa elevator. “Nauna kami ron bago kami pumunta rito. Nalaman ko kasi kay Mom na nandito ka at sakto naman na may kailangan kaming itanong sa’yo.” “Ano ba ‘yun? Masyado bang importante ‘yan? Hindi na ba pwedeng imamaya? Meron kasi akong meeting, anak.” “Mabilis lang naman po ‘to, Dad.” Kinuha ni Aulora ang drawing sa kaniyang bag at ibinigay sa tatay niya. “Alam niyo po ba kung saang lugar ‘yan? Hindi lang po kasi si Mom ang pinunta namin dito. Isa rin po ‘yan sa dahilan.” Kumunot ang noo ng lalaki at ibinigay ang drawing kay Aulora. “Familliar sa akin ang bahay na ‘yan, pero sigurado ako na malapit lang ‘yan dito. Ipakita mo ‘yan driver natin dahil baka alam niya ang lugar na ‘yan.” “Thank you, Dad. Aalis na muna kami. Babalik na lang ako pagnahanap na namin ang bahay na ‘yun,” “Bakit hindi kayo magtagal?” “Kailangan na po muna namin ‘tong unahin dahil mahalaga po ‘to sa amin.” “Sige, basta mag-iingat kayong dalawa. Delekado ang Manila.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD