Job offer Two weeks. Two weeks na kaming hindi nagkikita ni Miguel. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ngayon lang umabot sa ganito katagal ang hindi namin pagpapansinan. Sa loob ng two weeks na yon inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtatrabaho, nag o-over time ako palagi dahil pag uwi ko ayoko nang umiyak mas gusto kong pagod nalang ang katawan ko kaysa maalala ko ang problema ko "Ma'am pinapatawag po kayo ni Sir Cedric" kilig na kilig na pahayag ng assistant ko. "May sinabi ba kung bakit?" Kinabahan naman ako bigla, pinalitan na muna ni Sir Cedric ang papa niya sa pag papalakad ng kompanya dahil nahihirapan na daw ito dahil sa sakit niya. "Wala po ma'am eh sinabi lang po na ipatawag kayo." "Ah okay. You can go back to your table" inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas at pumu

