The house fell silent when Tita Agatha finally entered her room. Now, Daddy and I are alone. Tumungo ako sa hagdan habang naka-alalay sa kaniya, hirap ako sa paglalakad dahil nilalabanan ko ang kalahati ng kaniyang bigat. Nang tangkain kong humakbang sa unang baitang ay kamuntikan kaming mapasalampak sa malamig na granite tiles dahil hindi kinaya ng maliit kong katawan ang kaniya. Maagap na kumapit ako sa handrail upang kumuha ng suporta. Napangiwi ako. I'm sure I won't be able to carry him to the second floor. Tumunghay ako at mahinang tinapik ang kaniyang namumulang pisngi. “Daddy.” Magaan ang boses na gising ko dito. Hindi naman ako nabigo sapagkat ang nakapikit niyang mga mata ay nagmulat nang dahan-dahan, mapungay ang mga iyon. Ni hindi siya kumukurap habang tahimik na pinagmama

