Chapter Eight

2033 Words

After 30 minutes, iika-ikang lumapit ako rito. Sinalubong naman ako ni Timothy at inalalayan patungo sa passenger seat. "Uwi na tayo?" "Yes." Wala rin naman akong ibang pupuntahan pa, sa bahay lang ng mag-asawang Timothy at Meri, at sa apartment ko. Hindi option ang bahay ng parents namin, dahil bahay nila iyon... bahay lang nila. Hindi namin bahay. Hindi ko ito kinikibo sa duration ng byahe pauwi. Pagdating sa bahay nila inabutan namin naroon pa rin ang parents namin ni Meri. Iyong tingin nila ay halatang nag-aalala, lalo na ng makita nilang nakasunod sa akin si Timothy. "Bakit kayo magkasama?" iniisip ba ng babaeng ito na pinagtataksilan namin si Meri? Gano'n ba kababa ang tingin nito sa akin? Sa amin? "Ma, nakita ko po kasi si Clau sa labas kanina paalis, kaya sinamahan ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD