YVE UMBRIE Sa puting kisame lumapat ang aking tingin nang magising ako. Nasapo ko ang aking bibig pagkalingon ko sa kaliwa.Nakatulog ako! Teka, anong oras na ba? Hating gabi na ba? Dahan dahan kong inangat ang braso ni Cholo sa pagkakayapos nito saaking baywang. He's sleeping like a baby, halatang pagod siya sa trabaho. Napagtagumpayan ko namang alisin ang kanyang braso na hindi siya nagigising. Dahan dahan akong bumaba sa kama, kinuha ang aking coat na nakalapag sa lamesa at isinuot iyon. Inayos ko ng aking buhok ang pustura, ayaw kong lumabas mula sa silid na ito na hindi nakaayos, baka ano ang isipin ng makakita saakin. Nakatayo na ako sa harapan ng pintuan pero may kung anong pumigil saakin at nilingon kong muli si Cholo na mag-isang natutulog sa kama. Tinitigan ko lang siya, pi

