KAZEL POV
"Good Morning, Sir Parker." Bati ko sa intercom habang dala dala ang isang brewed coffe na hinihingi niya.
"Come in." Walang gana niyang saad.
"Ito na pala ang coffe niyo, Sir." Kinuha niya naman ito sa akin at tatalikod na sana ako, ng bigla niya akong tawagin. "What's my schedule for today?"
"Actually! Sir marami kayong gagawin ngayon, 9 am your business meeting kay Mr. Yakamura dito lang po yan sa isa mga hotel at restaurants natin. After that, meron po kayong flight papuntang bataan kasi tinatanong po ng may ari ng factory kung gusto niyo po bang bilhin yun. Next is papuntang cebu naman which is 12 pm kasi nagkaroon po ng problema ang isa sa mga branch natin don na kailangan niyo pong ayusin at dadalo po kayo para sa opening ng casino si Sir Liam. Lastly, is the anniversary of your parents na gaganapin mamayang gabi." Mahaba kong litanya, na tanging tango lang ang sinagot sa akin. Knabahan tuloy ako bigla dahil ngayon na pala ako ipakikilala ni Sir sa family niya as a girlfriend and not being his secretary. Nakakilig man isipin, pero alam naman natin ang totoo na pagpapanggap lang toh. Kaya dapat galingan ko ang role na ibinigay sa akin si Sir, dapat mailabas ko ang 100% na acting skills na mayroon ako.
"Heyy! Di ka ba sasagot?" Napapitlag naman ako sa boses ni Sir na may halong inis.
"Sorry, Sir! Ano nga po yung sinasabi niyo?" Mahinahon kong sabi.
"Para sa anniversary na gaganapin mamaya, you don't need to talk kung mahirap na yung tanong. Just be yourself and do not do something na mapapahiya ako. Whatever happens that night stays there, Understand?" Seryoso niya sabi na may pagbabanta, isang minh desisyon lang eh may kalalagyan ako. Ito ba ang kapalit sa munting kasiyahan na madarama ko.
"Don't worry! I will do everything in my power to make them believe I am your longtime girlfriend, Sir." Isang malaking ngiti ang pinakita ko sa kaniya, pero deep inside napakalaking pressure ang nararamdaman ko. Paano kung mahuli kami o di ko magampanan ng maayos ang pagpapanggap ko. Iniisip ko palang na mayayaman ang mga makakasalamuha ko sa party na yun, eh nanginginig na katawan ko sa takot, takot na mapahiya at lumabas ang pagiging mahirap natin.
"Don't give me a promise, show the results." Cold niyang sabi mas malamig pa sa aircon.
"Magkasama po ba tayong pupunta?" Curious kong tanong, baka kasi hindi niya ako isama sa kotse niya. Ang mahal pa naman ng grab ngayon,.di naman ako pwedi magtaxi kung saka sakali dahil mahuhuli agad kami niyan.
"My driver will pick you up at siya na ang bahala na maghatid sayo sa mansion." Napaka special ko naman pala dahil makakasakay tayo sa high class na sasakyan. "Do you have any question?" Nakataas niyang kilay dahil di pa rin ako umaalis sa harapan niya, na dapat kanina pa.
"Last question, Sir! Paano kung tanungin nila ako, tungkol sa atin? Paano tayo nagkakilala? Bakit ngayon lang ako nagpakita? Mga bagay na tungkol sayo? Or sa akin man lang! Anong sagot ang ibibigay ko?" Naguguluhan kong sabi, dahil alam ko for sure itatanong nila han sakin. Lalong lalo na yung mama niya! Tulad nga na sinabi ni Jasmine, eager na tong magkaroon ng apo at makita ang girlfriend ng anak niya.
"I will handle that! Just stay beside me at wag na wag kang mawawala sa paningin ko, naiintindihan mo ba?" Napatango nalang ako, basta ang dapat na gawin ko lang, magpakita at ipakilalang girlfriend niya. Other than that eh Sir Wade na ang bahalang sumagot at ayusin yun.
"Noted, Sir!" Umalis na ako sa loob ng opisina niya at pumunta na cubicle ko para ayusin ang mga reports at mga dapat niyang pirmahan sa araw nato. Aalis kasi ako ng maaga dahil binigyan niya ako half day para naman makapag-ayos ako sa party. Naka schedule na nga kung saan ako aayusan, at ang damit na susuutin ko na hanggang ngayon di ko parin nakikita.
***
As I entered the fancy store and beauty salon, maamoy mo talaga ang mga gimagamit nila na pabango para sa kanilang mga damit. Ako nga lang ang tao dito sa shop nila, maliban nalang sa mga staff na kanina pa naghihintay sa akin. Dapat 1 pm pa ako nandito pero dahil sa traffic, dumating ako almost 3 pm na.
"Good afternoon, Ms Kazel! Am I right?" Tanong sa akin ng magandang receptionist nang makapasok ako sa loob.
"I have an appointment for a makeover and outfit selection." Sagot ko, na may halong kaba sa aking dibdib.
"Of course! Your stylist, Marissa, will be with you shortly. Please make yourself comfortable."
Habang naghihintay ako, di ko maiwasan na mapahanga sa interior ng sa salon nato. There were shiny chandeliers that made the room glow softly, and mirrors all over the walls, showing beautiful and classy images.
Mabuti nalang dumating agad yung stylist ko na may malaking ngiti. "Good afternoon, Ms Kazel! Napakaganda niyo naman pala!"
"Di naman." Gusto ko man maniwala pero alam ko talaga sa itsura ko ngayon daig ko pa ang nakipagsapalaran sa digmaan. Sa ayos ko pa naman toh, magulo ang buhok at damit dahil sa byahe. Di ko naman afford ang taxi or grab kaya nagangkas nalang ako, para mas mabilis pero sa tagal ng traffic lalo tuloy akong nastress.
"Marrisa, I want to look the best."
"Well, you've come to the right place" Napaka confident niyang sani habang tinuturo ang mga magagandang dress at make up kit na nasa harapan namin. "Let's begin with your makeup. What look are you going for?"
"I want something classic and classy," I explained. "Soft, simple colors with a little glamour. Maybe a smoky eye with a nude lip?"
"Great choice," Marissa exclaimed, her eyes shining with excitement. "I have exactly the right palette for that."
Habang ginagawa ni marissa ang kaniyang magic skills, di ko maiwasan na hindi makapag relax dahil sa napakalambot na paggamit niya ng brush sa pisngi ko. Idagdag mo pa ang background music na masyadong kalmado para kang pinatulog.
"Miss kazel pwede po bang magtanong sa inyo?" Tanong ni marissa, na binasag ang katahimikan habang tuloy parin siya sa paglalagay ng make up sa mukha ko.
"Oo naman! Maganda nga yan para di ako matulog." Natatawang sabi ko baka kasi di ko makayanan at makatulog ako sa wala sa oras.
"May relasyon ba kayo si Sir Parker?" Di man lang ito nagdahan dahan sa pagtatanong, talagang dinirekta tayo agad. Muntik na tuloy ako mapaubo sa gulat.
"Hindi ah! Bakit mo namam naitanong?" Umandar na namam ang curiosity ko, malay naman natin di ba nakikita nilang bagay kami si Sir Wade. Mas maganda yan, baka magkaroon kami ng fans club sa company at mapansin niya ako. HA! HA! HA!
"Wala lang, ikaw lang kasi ang dinala niyang babae dito! Kahit nga family niya, Di pa nakakapunta dito." Paliwanag niya sa akin, makakaramdam na ba ako ng pagka special dahil ang unang tao na dinala dito, mas nauna pa sa family niya. Kinikilig naman ako, s**t!
Yun na ang huli naming pag uusap dahil busy na siya sa ginagawa niya sa mukha ko at ayaw ko naman na magsalita pa. Baka may masabi pa ako na di dapat.
Nang matapos si marissa, di ko maiwasan ang mapahanga sa ginawa niya. The gentle, simple colors highlighted my features just right, making me look even prettier without being too much.
"Now, let's pick out your dress." Sabi niya habang dinadala ako sa isang kwarto na puno ng magagawarang gown."Pumili na nga ako ng best gown na feel ko magugustuhan niyo."
As I tried on one beautiful dress after another, feeling more like a princess getting ready for a fancy party, I couldn't help but smile. With Marissa's help, I finally chose a long gown in a pale pink color, decorated with pretty lace and shiny crystals.
"Perfect." Yun nalang ang nasabi ko, dahil ngayon ko lang nakita ang sarili ko na ganito kaganda.
"You look absolutely gorgeous." Ang pagsang ayun sa akin ni marissa at kitang kita talaga sa mukha niya ang pagiging proud sa resulta ng kaniyang ginawa. "Mr Wade will be amazed."
Di na rin ako nagtagal sa loob, baka kasi mahuli ako sa anniversary at mapagalitan pa tuloy ako. Di ko naman nakalimutan na magpasalamat kay marissa sa ginawa niya dahil kahit papaano eh gumanda tayo. Sakto naman na naghihintay sa akin ang driver ni Sir Wade na maghahatid sa akin sa mansion nila.