Nagsisisi si Dylan kung bakit pinarenta niya ang bahay niya. Ang bahay na saksi sa lahat ng hinanakit niya. Ng mga luhang ibinuhos niya. Ng mga iyak at hagulgol niya. Ang bahay na ito ang naging sandigan niya mula noong araw na naging mag asawa sila ni Nyxia. Ito na lang sana ang mayroon siya pero binitawan niya rin kalaunan. At heto siya ngayon, nagmamaka-awa sa taong may karapatan na sa pag aari niya. Saktong pagsilip ni Aliyah sa bintana ng kwarto, naaninag niya si Dylan na natumba sa harap ng gate ng bahay. Mabilis siyang tumalima sa ibaba at walang pag alinlangan na iniwan ang trabaho niya. Nag alala siya baka napano na ang lalaki gayong hindi pa magaling ang sugat nito sa tagiliran. "Dylan!" nataranta siya ng makita ang lalaki na parang lantang gulay ng nakahandusay. Dali-dali niya

