His eyes widen in shock. Hindi niya alam kung kaya niya bang gawin ang pakiusap ni Aliyah. Hindi niya alam kung kaya niya pa bang ibalik ang buhay niya noong hindi niya pa nakilala si Aliyah dahil sa ngayon si Aliyah na lang ang nagsilbing isa sa mga lakas niya para umusad. Bukod kay Cianne si Aliyah rin ang nagbibigay saya sa kanya. Ang dami niyang plano. Na kapag naging matagumpay ang annulment nila ni Nyxia he wanted to curt formally Aliyah. Mag date sila. Mag usap about the future. Building a plan kapag magplano na silang magkaroon ng pamilya. Naghahanap na rin siya ng trabaho na malaki ang kita dahil gusto niyang paghandaan ng engrandeng kasal si Aliyah at komportableng pamumuhay na hindi sila mahirapan financilly. Pero paano na iyon magagawa pa ni Dylan kung gusto ni Aliyah na lay

