Natinag si Aliyah ng may kumuha sa kanyang pinamili na nalaglag sa sahig. Nag aalangan na tinulungan niya ang lalaking may edad na ngunit hindi nito binitawan. "Sasakay ka ba ng tricycle, miss?" tanong nito kay Aliyah. Suno-sunod na tumango si Aliyah. "Tara." Muntik ng mawalan ng balanse si Aliyah dahil sa panlalambot ng kanyang mga tuhod. Ngayon niya lang naramdaman ang panghihina ng maka recover sa paghaharap nila ni Nyxia. Sumunod siya sa drayber na nakayuko ang ulo. Nagtitinginan kasi ang ibang mga tao doon at nagbubulungan. Mariing pinagsiklop si Aliyah ang kanyang palad ng maka upo sa loob ng trycicle dahil nanginginig din ito. "S-sa phase 4, m-manong," nauutal sa sabi ni Aliyah. Gusto na niyang umuwi. Takot na siyang makarinig pa ng masakit na salita, nang hindi makatotohanan. Gus

