Chapter 4

2064 Words
"Paano nasikmura ng walang hiya na 'yon na magmensahe sa 'kin?" Aliyah said gritted her teeth. She ignore the email. She need to sleep peacefully. Hindi iyon mahalagang bagay para bigyan ni Aliyah ang ilang minuto para replayan. Nakabukas ang dalawang bintana. Ang preskong hangin mula sa labas ang nagsilbing lamig sa silid ni Aliyah. Isa ito sa nagustuhan niya sa bahay. Hindi na niya kailangan gumamit ng aircon o kaya electricfan dahil libre ang natural na hangin ang pumapasok sa kaniyang kuwarto galing kay inang kalikasan. Samantala, mula sa malayo nakatingin sa dalawang palapag na bahay si Dylan. Hindi parin mawala sa isip niya ang babaeng nangungupahan sa bahay niya. Ni limitahan niya ito ng isang linggo kung magtatagal ba ang babae na tumira doon kaya halos araw-araw siyang napapadaan at sinisilip ang bahay. Bago lamunin ng dilim ang liwanag nagpasya si Dylan na umuwi na sa kanilang bahay. "Bakit ang tagal mo?" salubong na wika ni Nyxia kay Dylan. Nagmamadali ito na dinampot ang bag at susi ng sasakyan. "Ikaw na ang bahala kay Cianne baka bukas na ako maka uwi," tulo-tuloy nitong sabi na hindi man lang tinapunan ng tingin ang asawa at nagmadaling lumabas ng bahay. Isang mabigat na paghinga ang pinakawalan ni Dylan na sinundan ng tingin ang asawa nitong nagmamadali. Nang maka alis ang asawa nagsimula ng magligpit ng kalat si Dylan. Maglinis ng buong bahay at maghanda ng hapunan nilang mag-ama. Hindi man lang nag asikaso ang asawa niya bago ito naisipang umalis. Si Cianne ay ang tatlong taong gulang nilang anak. Maliit pa ito ngunit marunong na itong asikasuhin ang sarili na hindi kailangan ang tulong ng kaniyang magulang. Tinuruan siya ni Dylan sa mga bagay na kaya nitong gawin para kung may gusto mang gawin ang anak magagawa nito kahit mag-isa siya. "Daddy!" matamis ang ngiti sa labi na lumingon si Dylan nang marinig ang malambing na boses ng anak. "It's that pinakbet?" Tumango si Dylan at inihain sa mesa ang ulam na kaluluto lang. "Yes, sweetie. Ang paborito mong pinakbet." Pumalakpak sa tuwa si Cianne at excited na kumuha ng dalawang plato at dalawang pares ng kutsara at tinidor. Inilapag niya iyon sa mesa. Para sa kaniya at para kay Dylan. Kumuha rin siya ng dalawang baso habang si Dylan naman ang kumuha ng tubig na maiinom. "Okay, let's pray," ani Dylan. Kaagad naman yumuko ang ulo ni Cianne at pinikit ang mata. "Dear Lord, thank you for this food we are about to eat. Amen." "Amen." Si Cianne na ang naglagay ng pagkain nito sa plato at magiliw na kumain hindi bumabagabag sa isipan kung bakit sila lang dalawa ng daddy niya ang magkasama na kumain. Habang si Dylan hindi nito mapigilan na maawa sa anak na palagi nalang wala ang ina nito sa oras na dapat magkakasama silang tatlo lalo na sa harap ng hapagkainan. Tumulong si Cianne sa paghugas ng plato pagkatapos nilang kumain. Ito ang bonding nilang mag-ama imbis na maglaro at makipagkulitan gaya ng pagkaraniwang bata. Hinahayaan na lang ni Dylan ang anak dahil bukod sa nag eenjoy ito may nalalaman rin na gawain ang anak niya. "Magsipilyo ka muna bago matulog," ani Dylan nang magpaalam ang anak na matutulog na ito. "Yes, daddy. Good night. I love you," inaantok na usal ni Cianne at humalik sa pisngi ng ama. Niyakap siya ni Dylan. "I love you more. Good night," anito at pinatakan ng halik ang noo ng bata. Gusto mang tabihan ni Dylan ang anak ngunit hindi niya magawa dahil ito ang mahigpit na pinagbabawal ng kaniyang asawa mula nang maging apat na taon si Cianne. Naintindihan naman ni Dylan ang asawa nito ngunit masakit lang para sa kaniya na kulang sa tiwala si Nyxia. Na iniisip nito na baka makagawa ng kasalan si Dylan sa anak. Kung alam niya lang na ganito ang iisipin ni Nyxia sa kaniya, sana sinulit niya ang bawat minuto noong panahong maliit pa ang kaniyang anak. Malalim na ang gabi ngunit hindi parin dinadalaw ng antok si Dylan. Ang daming bumabagabag sa isipan niya dumagdag pa ang nalalapit na pagkalubog ng kanilang dry goods store. Ilang tauhan na ang napa alis niya dahil hindi na sapat ang kinikita ng tindahan para sa sahod ng empleyado niya. Magkasama sila ni Nyxia na pinalago iyon ngunit sa paglubog nito mag-isa na lang si Dylan na naghahanap ng solusyon. Pagod na siya kung paano ito solusyonan ngunit hindi siya pwedeng sumuko. Hindi siya pwedeng bumitaw dahil ang lahat ng ginagawa niya ay para sa magandang kinabukasan ng anak. Ilang oras lang ang tulog ni Dylan. Pagod pa ang mata niya at inaantok ngunit kailangan niyang bumangon para mag asikaso dahil may pasok pa sa kender ang anak. Nagulat siya ng makita si Nyxia na kararating lang. Sa amoy pa lang ng asawa alam na ni Dylan kung saan galing ang asawa niya. "Nag casino ka na naman ba?" patag na tanong ni Dylan. Inihagis ni Nyxia sa sofa ang sling bag nito at isa-isang hinubad ang suot na sandal. "H'wag mo akong umpisahan, Dylan, gayong talo ako," pagalit na sabi ni Nyxia. "Nyx, palubog na ang tindahan tapos hindi ka pa titigil sa pag casino mo?" nagtitimpi sa galit na usal ni Dylan. Salubong ang kilay na hinarap siya ni Nyxia. "Gawan mo ng solusyon! Bakit problimahin ko 'yun gayong ikaw naman ang dahilan bakit iyon unti-unting nalulugi! Palibhasa kasi hindi ka pa rin natuto paano magpalago ng negosyo," pang insulto nito kay Dylan at padabog na pumanhik sa kwarto. Nagpipigil si Dylan na sumabog sa galit. Inaasahan naman niya itong marinig kay Nyxia ngunit hindi niya akalain na ganito pala ka sakit ang i-looked down ka ng isang tao. Ganito pala ang pakiramdam na walang tiwala sayo ang isang tao at masama pa no'n ang ipamukha sayo na hindi mo kaya ang isang bagay na siyang kahinaan mo. "Daddy," inaantok na tawag sa kaniya ni Cianne. Kaagad naman lumapit si Dylan sa anak at kinarga ito. Yumakap naman sa kaniyang leeg ang anak. 'Hindi ako pwedeng sumuko,' aniya habang yakap ang anak na nakalambitin sa leeg niya. NAPABALIKWAS NG BANGON si Aliyah nang tumunog ang alarm nito sa cellphone. Pumupungas na dinampot niya iyon at pinatay. Alas-nuwebe na ng gabi. May dalawang oras pa siya bago magsimula sa trabaho kaya bumangon na siya at maghanda ng makakin. Nang makababa sa kusina napatapik si Aliyah sa sariling noo nang maalala ang usapan nila ni Kisses kanina. Malalim na ang gabi panigurado tapos na sa pagtitinda si Kisses at siguro nga mahimbing na ang tulog nito. Na konsensya siya sa hindi pagharap sa dalaga dahil alam niyang nasayang ang effort ni Kisses sa pagluto para lang sana mabigyan siya. "Hihingi na lang ako ng despensa sa kaniya sa hindi ko pagsipot," usal ni Aliyah. Cup noodles at slice bread. Iyana ng hapunan ni Aliyah dahil tinatamad siyang magluto at naka frozen pa ang ulam na lulutoin. Hindi niya trip ang mag ulam ng gulay ngayon kaya magtitiis muna siya ngayong gabi at babawi na lang bukas. Naligo muna si Aliyah bago humarap sa trabaho para presko at hindi siya antukin agad. Hindi siya nakabili ng upuan sa bayan dahil walang nagtitinda ng ganoong upuan doon kaya sa online shop na lang bibili si Aliyah. Ganado si Aliyah habang nagtatrabaho. Sa ilang araw na mag-isa siya ni hindi siya nakaramdam ng lungkot at pangungulila. Pakiramdam niya malaya siya sa ilang araw na mag-isa siya sa bahay na ito. Ngayon lang niya naranasan na bumukod mag-isa. Tumira sa isang lugar na walang kakilala kahit isa. Pakiramdam ni Aliyah ang tapang na niya nang magawa ang bagay na ito ang tanang buhay niya. At alam niya sa sarili na ang disisyong ito ay hindi niya pagsisisihan sa huli. Alas-sais ng umaga na nang matapos siya sa trabaho. Maingay na ang mga kapit-bahay niya. She did her morning exercise routine. Isa iyon sa list niya na kahit fifthteen minutes lang every morning. Dahil ganito ang working hours niya nais niya parin mag healthy living. Mahirap na baka magkasakit siya, walang mag aalaga sa kaniya at walang tutulong. Kaya sinisikap ni Aliyah na balansihin ang lahat para na rin sa sariling kapakanan. Dito umiikot ang oras ni Aliyah sa loob ng tatlong linggo. And she is proud to her self na nasurvive niya iyon. "Tisay!" Kumaway si Aliyah kay Kisses at hinintay sa kinatayuan ang babae. "AKala ko umalis ka dito ng walang pasabi," normal na wika ni Kisses ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ni Aliyah ang tuwa sa tono nito. "Ilang linggo kitang hindi nakita. Tuwing pupunta naman ako dito walang sumasagot sa tawag ko kaya inisip ko na lang na umalis ka na walang pasabi." A warm feeling sorround on Aliyah's heart. "Pasensiya ka na, ha, abala lang sa trabaho buong magdamag. At saka buong hapon ako natutulog kaya hindi ako lumalabas ng bahay," paliwanag niya. Nagtaka man si Kisses kung anong klase ang trabaho ni Aliyah hindi parin siya nang usisa bilang respeto dito. "Nag-alala rin ako baka napano kana sa loob ng bahay mo," pumara si Kisses ng trycle. "Mabuti naman at ayos ka lang. Natutuwa akong malaman na nadito ka pa," she genuenly smlie ngunit may kalapit na lungkot ang ngiti na iyon. "Ikaw lang kasi ang kaibigan ko dito na kayang pagtiyagaan na kausapin at samahan ako." Pain, loneliness, unsaid words, ilan lang sa mga iyan ang nakikita ni Aliyah sa mga mata ni Kisses. A girl with have a srong face card, palaban, madiskarte at masayahin kung magsalita ngunit may malalim na tinatagong nadarama. Sabay ulit silang nag grocry at namalengke ngunit hindi na tinanggap ni Kisses ang libre ni Aliyah dahil malaki raw ang kita nito sa pagtinda. "Sorry na agad friend, ha. Iyon kasing mga pagkain na dapat sa anak ko, binenta ko," nahihiya na wika ni Kisses. "Tapos yung income ko doon ginawa kong puhunan para dagdagan mga paninda kong pagkain. Nag doble ang kita ko." Nadismaya ng kaunti si Aliyah ngunit lamang ang tuwa niya dahil may magandang resulta naman ang ginawa ni Kisses. Hindi lang siya nakapasaya ng tao nakatulong pa siya sa isang tao na kumakayod ng masipag. "Mabuti naman at naisipan mo iyon. Malaking tulong yun sa pagtitinda mo. Basta 'wag mong kaligtaan ang pangangailangan ng anak mo. Huwag mong gutomin." "Thank you friend," masayang wika ni Kisses at patagilid na niyakap si Aliyah. Sana lahat ng batang ina katulad ni Kisses mag-isip. Rest day ni Aliyah. Pagkauwi nila galing bayan inilaan niya ang lahat ng oras sa pagtulog. Pakiramdam niya pagod na pagod ang mga mata niya, ang katawan at isip. Gusto niyang mag unwind ngunit wala naman siyang alam na lugar dito na pwedeng puntahan. Kaya sa pagtulog na lang niya ito inilaan. KINABUKASAN, habang nagluluto ng agahan si Aliyah may kumakalampag ng gate sa labas ng bahay niya. Pinagsawalang bahala niya iyon dahil wala naman siyang inaasahan na bisita. Ininiisp niya rin na baka masamang tao iyon na nagtatangkang pasukin ang bahay niya. Hindi rin iyon si Kisses dahil kapag ang baabe na iyon pupunta sa bahay niya malayo palang tinatawag na siya. Habang nakasalang ang niluluto, inasikaso naman ni Aliyah ang labahin niya. Tambak na iyon at ito ang pinaka ayaw niyang trabaho, ang maglaba. "What if, alukin ko kaya si Kisses na maging labandera ko? Magkano kaya ang bayaran kung magpalaba?" "300--" "Oh god! You scared me!" sigaw ni Aliyah habang nakahawak ang dalawang kamay sa dibdib sa subrang gulat nito nang may magsalita sa kaniyang likuran. "Paano ka nakapasok?" pasigaw nitong tanong nang malingunan niya si Dylan. "Sorry, I didn't mean to scare you," paghingi ng paumanhin ni Dylan. " Inakyat ko ang bakod. Hindi mo ba narinig na may tao sa labas? Kanina ko pa kinakalampag ang gate. Wala kasing doorbell na nakakabit dito kaya pasensya na sa ginawa ko," sinserong paliwanag ng lalaki. Humupa na ang kaba na naramdamn ni Aliyah ngunit malakas parin ang kabog ng kaniyang dibdib dulot ng samo't saring emosyon na naramdaman. Ngayon lang kasi niya napagtanto na naka panty short at sports bra lang siya. Naka awang ang kaniyang labi at namimilog ang mata hindi malaman ang gagawin habang nakaharap kay Dylan na tulalang nakatingin sa kaniyang katawan. "Damn you f*****g jerk!" nanggalaiti na sigaw ni Aliyah ng mahimasmasan at bigla nalang binato si Dylan ng bagay na basta niya lang dinampot sa tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD