~FLASHBACK~ "2 weeks from now nakatakda na ang unang pagkikita niyo ni Aldrich," wika ng ama ni Aliyah. Sumimsim muna ito ng tsaa bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Napagkasunduan namin ni Mr. Lim na mainam siguro kung makilala niyo muna ni Aldrich ang isa't isa para hindi na kayo magka ilangan sa araw ng engagement party." "Kung iyon po ang napagkasunduan niyo, dad, walang problema sa akin," kaswal na sagot ni Aliyah. "Pero ang gusto ni Aldrich sa friday next week kayo magkita dalawa." Natigilan si Aliyah. Graduation day niya iyon, bakit iyon pa ang araw na pinili ni Aldrich na magkita silang dalawa? "P-pero, dad, graduation day ko iyon," sabi ni Aliyah sa mababang tono. Hindi nakitaan ng gulat at pag alala ang ama niya kaya alam na ni Aliyah kung ano ang ibig sabihin niyon. Ngunit

