Hindi na umuwi si Dylan sa kanilang bahay kung hindi tungkol kay Cianne. Ayaw niyang makabitiw pa ng masakit na salita para kay Nyxia dahil may respeto parin siyang natitira para sa babae. Sadyang kailangan niya lang ipagtapat kay Nyxia ang lahat para malinis ang pangalan niya. Kahit kay Nyxia lang, iyon ang mahalaga kay Dylan. Ngunit wala na siyang plano na bigyan ng karapatan si Nyxia na mamahala sa tindahan. Ayaw na niyang bumalik sa lugmok. At pinag iipunan niya rin ang perang pinahiram ni Aliyah sa kanya kahit naka kolateral ang kanyang bahay sa babae. Galit na galit siya kay Nyxia sa ginawa nitong pananakit kay Aliyah. Kung hindi lang naki usap si Aliyah hindi niya iiwan ang dalaga na luhaan at umiinda ng sakit sa katawan na natamo. Ngunit hindi na hahayaan pa ni Dylan na mangyari

