“MAY sakit ka ba, Shea?” narinig niyang tanong ni Tom sa kanya habang kumakain sila ng tanghalian kinabukasan. Napatingin siya dito at napailing. “I-Inaantok pa siguro ako,” pagdadahilan niya. “Hindi ka ba nakatulog ng ayos, kaya ba paga ang mga mata mo?” Iniiwas niya ang tingin dito. “O-Oo,” pagsisinungaling niya uli. Ang totoo ay buong magdamag siyang nag-iiyak kaya pumaga ng ganoon ang mga mata niya. “Huwag kang mag-alala, sa susunod na linggo, uuwi na tayo,” sabi pa nito. Napatingin siya dito. “U-Uuwi na tayo?” Bahagya siyang nakaramdam ng gaan ng loob sa sinabi nito. Gusto niya na ngang umuwi at makita ang pamilya niya. Ang mga ito lang ang makakatanggal ng stress na nararamdaman niya. “Oo,” tumango pa ito. “Nabanggit rin sa akin ni Spencer na balak na nilang umuwi ni Patricia s

