Chapter 13 Zach was true about no having classes in the afternoon. May meeting daw ang lahat ng teachers sa bayan kaya na-declare na walang pasok ang lahat. "Una na kayo, may kukunin lang ako," sabi ko kina Anne at Mae ng matapos ang huling klase namin. "Sure—" "Anne tara na, base na mukha niya mukhang may plano sila ng Zachary niya," tukso ni Mae kaya napangiti na lang ako bago umiling. "May kukunin lang ako sa library saka sa SSG office," sabi ko pero tumawa lang sila saka nagpaalam na. Nang makaalis sila ay mag-isa ako na naglakad papunta sa library. I need to get a book related to one of my subjects. Kulang kasi ang impormasyon sa learners book namin. Naghahanap ako ng librong kailangan ko ng biglang tumawag si Zach kaya mabilis kong sinagot habang nasa mga libro pa rin ang tin

