Chapter 47 I felt Zach kissing my naked shoulder down to my collar bone, so I immediately turned my back at him. Mabilis na nalihis ang comforter na nakatabon sa parehong hubad naming katawan kaya bahagya ko iyong iniwas. "Morning," paos na bati niya sabay higit sa akin palapit sa katawan niya. "Zach, I'm still sleepy." Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil kahapon ay todo tanggi pa ako na dito matutulog. But here I am right now, naked and very sleepy. "I am just greeting," sabi niya pa pero ramdam ko na ang kamay niya sa tiyan ko na gumagawa ng kung anong ritmo. Napadaing ako saka dahan-dahan na humarap sa kanya. I found him smiling, so I rolled my eyes. Bahagya niyang nilapit ang mukha niya para halikan ako sa labi pero mabilis akong umiwas kaya sa pisgi ko tumama ang halik niya.

