IGINALA ni Lucey ang mata sa carpark. Pagabi na noon at hindi pa rin binubuksan ang ilaw kaya madilim. Deserted ang lugar dahil lahat ng mga estudyante ay nasa gymnasium para manood ng program.
Napangiti siya nang makita ang Toyota Corolla ni Melvin. Marahil ay kadarating pa lang nito at hindi muna pumasok. Third year college na ito sa kursong Business Administration sa Ateneo de Manila. Galing pa itong school at pumunta lang doon para sunduin siya.
Alam niyang marami ang tumaas ang kilay nang malamang niligawan siya nito. Karamihan sa mga babae sa subdivision nila at mga schoolmates niya ay may gusto dito. Exclusive school for girls ang pinapasukan niya at alam niyang ilan sa mga schoolmates niya ay naging nobya nito. But she doesn't mind. Alam niyang mahal siya nito.
Habang palapit siya sa sasakyan nito ay biglang kumabog ang kanyang dibdib. Pumasok sa isip niya ang sinabi ni Mafi subalit binalewala niya iyon. Ano naman ang malalaman niyang masama tungkol sa nobyo?
Bata pa lang ay magkasama na sila although hindi sila close. Lagi siyang iniinis nito noong bata pa sila. Pero nang magbinata at magdalaga na sila ay nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. But she learned to love him since they were kids kaya hindi naging mahirap sa kanya na sagutin ito.
Dahan-dahan siyang naglakad upang hindi nito masyadong marinig ang yabag niya. She knows that he loves surprises. Kaya sosorpresahin niya ito.
Nagsalubong ang kilay nang may marinig siyang tinig. May kausap yata ito. Baka naman isinama nito si Recca, ang pinsan nitong babae. Well, dalawa na ang sosorpresahin niya.
"I'm sick and tired of this game, Melvin! Kailan mo ba sasabihin sa freak na 'yon ang totoo?"
Natigilan siya nang marinig ang sigaw na iyon. Galing iyon sa isang babae but she's sure that it's not Recca's. Pero kilala niya ang boses na iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay tinig iyon ni Alyssa. Ang huling nobya ni Melvin bago siya niligawan nito. Schoolmate niya ito at kauna-unahang nagngitngit nang malamang niligawan siya ni Melvin. Ano'ng ginagawa nito sa sasakyan ni Melvin?
Marahan siyang lumapit upang hindi maramdaman ng mga ito ang presensiya niya. Alam niyang maari naman siyang lumapit upang malaman ng mga ito na naroon siya but her instincts told her to not to.
"Hush down, Aly," saway ni Melvin dito. "Gusto mo bang may makarinig sa atin? Malaking gulo ang lahat kapag nagkataon."
sڻbtR