CHAPTER 17

1723 Words

MARAMI nang tao nang makarating sina Jane at Charlie sa entrada patungo sa hardin ng hotel. Halatang magarbo ang gaganaping kasal. Lumapit sila sa isang nakaunipormeng concierge upang iabot ang imbitasyon. Pagkatapos ay tuluyan na silang nagtungo sa hardin.      Halos umawang ang mga labi ni Jane nang makita ang pagkakaayos ng hardin. Magarbo ang disenyo niyon, tila galing sa fairy tale. Pink at white ang motif, ang mga bulaklak na nasa aisle ay may nakaadornong tila mga kumikislap na diyamante. May red carpet pa sa gitna na dadaanan ng bride. Sa itaas ay may mga nakalutang na white paper lanterns. Marami nang bisita ang nakaupo sa mga puti ring silya.      “Talk about grand wedding,” narinig ni Jane na usal ni Charlie sa tabi niya.      Tiningala niya ang binata at bahagyang ngumiti.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD