CHAPTER 19

1207 Words

MAGANDA ang ambiance ng restaurant na pinuntahan nina Jane at Charlie. Magkakalayo ang mga mesa para sa privacy at may pumapailanlang na classical music. Sa gitna ay may dance floor at may ilang parehang nagsasayaw roon nang pumasok sila. It was the perfect place for a romantic date. At mukhang suki sa lugar na iyon si Charlie dahil kilala na ito ng waiter na nag-assist sa kanila.      Ayaw nang isipin ni Jane kung bakit kilala na si Charlie sa restaurant dahil may pakiramdam siyang hindi niya magugustuhan ang dahilan. After all, nasa hotel sila at hindi itinago sa kanya ng binata kung ano ang lifestyle nito sa mga nakaraang taon. Kaya wala siyang balak magkomento tungkol sa familiarity ni Charlie sa lugar.      Subalit mukhang napansin ng binata ang iniisip niya dahil nang umalis ang w

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD