CHAPTER 12

1661 Words

HINDI alam ni Charlie kung gaano katagal na siyang nakatitig sa kanyang cell phone habang ang isang kamay ay nakahawak sa baso ng alak na kanina pa in-order pero hindi pa rin nagagalaw. Niyaya siya ni Jay sa club na madalas nilang puntahan noong madali pang yayain si Ross. Mula kasi nang magkaroon ng girlfriend ang kaibigan nilang iyon ay mahirap nang papuntahin doon. Palibhasa, maraming atraso sa mga babae. Subalit nang gabing iyon ay napapayag ni Jay si Ross na sumama kaya napasama na rin si Charlie. Kahit sa totoo lang ay wala siya sa mood.      Nagtatalo ang kanyang loob kung tatawagan ba niya si Jane o hindi. Mag-iisang linggo na kasi mula noong manood sila ng play sa Resorts World. It was his turn to ask her out on a date. Pero wala siyang ideya kung ano ang gagawin o kung saan niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD